KABANATA 10

96 7 0
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

Mabuti naman at natapos ko ang aking mga gawain na hindi na kailangan ipatawag ako ng superior. Nakakaramdam na ako ng sobrang pagod kaya napaupo ako sa upuan dito sa hallway sa mga room. Hindi ko akalain na makakaramdam ako nito gayong sanay na ako sa gawaing bahay at gawaing panlalaki.

Nanatili akong nakaupo habang walang tao na dumadaan dito sa hallway. Malamang ay nagtatrabaho pa ang ilan sa amin at tanging ako lang ang nandito lamang sa hallway.

Bigla sumagi sa isipan ko 'yong napag-usapan namin ni Rylie kagabi tungkol sa mga anyo nila at kung sino talaga sila, kung tama ang hinala ni Rylie na hindi sila normal na tao kundi mga demon sila ay dapat silang iwasan. Baka may gawin silang masama sa amin at wala akong kalaban-laban sa kanila.

Napatigil ang pag-iisip ko dahil sa paparating na yabag ng paa. Nilingon ko ang pinagmulan nito at nakita ko ang dalawang lalaki na pasuray-suray sa paglalakad. Mukhang lango sa alak ang dalawang 'to at nagtatawanan pa talaga sila. Hindi masyado kalayuan sila sa akin.

"Pare, may nabingwit ka bang chicks?" tanong ng isa habang may hawak na bote ng alak.

Matangkad na payat ito pero halatang kulubot na ang mukha kahit hindi ito matanda. Marami itong pasa at peklat sa katawan, hindi rin nawawala'y sa katawan niya ang ang maraming tattoo.

"Oo, pero laspag ang isang 'yon. Ayaw ko sa ganung babae," sagot ng lalaking hindi masyado payat at katamtaman ang katawan.

Marami rin itong peklat sa katawan at tattoo. Papalapit na sila sa kinauupuan ko habang patuloy sila sa pag-uusap. Nakakatakot din ang mga mata nila dahil parang kutsilyo sa talim nila makatingin.

"Hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga ay natikman mo. Ayaw mo, may init ka na sa katawan," sagot ng kasama niya at parehas silang tumawa.

Dumaan sila sa kinauupuan ko pero bigla silang napatigil at nilingon ako. Tiningnan ako ng lalaking katamtaman ang katawan pero may kakaiba sa tingin niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"Mukhang binigyan ako ng magandang pagkakataon na matikman ang birhen na babae," sabi nito at lumapit sa akin.

Nakaramdam ako ng takot kaya bigla akong tumayo at tatakbo na sana kaso nahila nila ang aking buhok. Sumasabay pa sa akin ang pagkahilo sa sobrang pagod ng aking katawan.

"Akalain mo nga naman, nakabingwit pa tayo ng isang magandang dilag," sabi ng isa at dinalaan niya pa ang kanyang labi.

Gusto kong sumigaw ng tulong pero wala rin na makakarinig sa akin at tinakpan na nila ang aking bibig gamit ang magaspang na kamay ng lalaking payat.

"Mukhang mag-eenjoy tayo nito, kapag natapos ka pare. Ako naman, excited na ako sa gagawin natin," sabi ng lalaking payat at may tingin na pagnanasa sa akin.

Patuloy ako sa pagpupumiglas pero wala akong lakas sa sobrang hina ng katawan ko. Biglang sumakit ang aking ulo at unting-unti sumasara ang talukap ng aking mata. Narinig ko pa ang pagsasaya ng dalawa hanggang sa iba na ang narinig ko. Nagsasalita sila pero hindi ko ito maitindihan at bakas sa mukha nila ang takot.

Sumara na tuluyan ang talukap ng aking mata.

***
Nagising ako sa puro puti ang nasa paligid ko. Inaanig ko ang nasa paligid ko hanggang sa napagtanto ko na wala ako sa kilala kong lugar. Napabangon ako bigla at kinapa ang aking sarili.

Ganun pa rin ang sout ko at nasa maayos ako na kalagayan. Pinagmasdan ko ang nasa paligid ko at mga gamit dito ay puro puti. May makapal na kurtina na natatakpan nito ang isang bintana sa gilid ng kinahihigaan ko tapos sa harapan ko sa may gilid ay may pinto na puti rin ang kulay.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon