KABANATA 8

100 8 0
                                    

(LAYZZAH CHANDREA POINT OF VIEW)

Nasaan na kaya si Rylie at Ana? Iba kasi ang lugar na naka-assign sa akin kaya bihira ko lang sila makita. Busy rin sila sa mga ginagawa nila. Sa library kasi ako naka-assign tapos si Rylie ay nag-aayos sa mga gamit while head maid naman si Ana.

Patuloy ko inaayos ang mga libro sa kanilang mga lugar at pinupunasan since marami ang alikabok na nakakabit sa bawat libro rito. Hindi ko alam kung ilang bilang ang libro rito pero sa tyansa ko ay mga one hundred plus sa sobrang dami. Tapos anim na bookshelves ang nandito at puno ito ng libro.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao na kanina pa pumapasok dito sa library. T-shirt na white ang sout niya at pajama na gray. Black ang kanyang buhok na may malinis na gupit. Ang gwapo niya sa paningin ko at sobrang bait pa dahil tinulungan niya ako kanina sa paglilinis ng aklat.

"Ayaw mo ba kumain at magpahinga?" tanong niya bigla kaya napatigil ako sa pagpunas ng aklat at nilingon siya.

Nakaupo siya sa upuan at kaharap nito ay mesa na may libro sa itaas. "Mamaya na, tatapusin ko muna ito bago ako kakain at magpahinga," sagot ko sa kanya at binalik ang tingin sa ginagawa.

Napangiti ako ng palihim dahil napakabait niya sa akin. "I guess you need to eat first. Nanghihina na ang katawan at nahahalata ko ito. Kumain ka na dahil may dala akong snack dito," sabi niya kaya bigla akong napalingon sa kanya.

May dala siyang supot at pinakita ito sa akin. Nahihiya ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Mamaya na, hindi pa naman ako masyadong gut-" naputol ang sinasabi ko dahil tumunog ng malakas ang aking tiyan.

Nahihiya akong tumingin kay Zai na pinipigilan na tumawa at dinaan na lang niya sa pagngiti. "I told you, right? Alam ko na gutom ka kaya kumain ka na. Huwag kang mahiya sa akin at kumain ka na. Kaligtasan mo ang mahalaga," sagot niya sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya wala akong magawa.

Nahihiya akong lumapit sa kanya at ngumiti ng pilit. "Salamat po pala," pasasalamat ko sa kanya at akmang kukunin ang pagkain pero inatras niya ito.

Nagtataka ako sa kinikilos niya at medyo napahiya ako. "Don't use po and opo on me. I think we are the same age," sagot niya ng diretso sa akin at nakatingin siya mismo sa aking mata.

"But, you're my master so it my obligation to use respect of way of talking," katwiran ko pero napailing siya sa sinabi ko.

"I'm one of your master so you should listen to me. From now on, don't use polite word on me such as po and opo. Just talk to me the way you talk to your friend," paalala niya sa akin at mas lalo akong tinaasan ng kilay.

"Okay, master," pagsuko ko dahil siya naman ang masusunod.

"Here," abot niya sa akin ng supot kaya tinanggap ko naman ito.

"Thank you, Zai," pasasalamat ko sa kanya kaya napangiti siya ng malapad.

"You should called me Zai more often. I like it the way you called me on my nickname. I also called you Chan because it suit you well,"

Napangiti ako ng palihim habang nagsimula na maglakad. "Goodbye and keep safe," paalam niya sa akin at kumaway naman ako sa kanya.

I want him to focus on reading kaya ako umalis doon. Dahil sa hindi ko pagtingin sa dinadaanan ko ay may nabangga akong isang tao. Napaupo ako ng malakas at napahamak sa aking pwet na malakas ang pagbagsak.

Umangat ako ng tingin at halos manlamig. Sumalubong sa akin ang isang lalaki na may hawak na katana. Masama ang tingin nito sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Tumayo agad at yumuko sa kanya. "Pasensya na po kung nabangga ko po kayo. Hindi po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," hinging paumanhin ko sa kanya habang nakayuko.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon