KABANATA 7

102 8 0
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

Pagkaalis ng superior kanina ay mas pinili ko na lumapit na lang kina Rylie at Chan since wala namang binigay sa akin na task. Hindi rin nila ako pinatawag kaya nanahimik na lang ako. Halos magimbal ako sa aking nasaksihan pero hindi na ako nagsalita. Kahit anong gawin ko ay hindi ito mabubura sa aking isipan. "Are you really okay? Namumutla ka na," sabi sa akin ni Chan at tinuro ang mukha ko.

Lumingon ako kay Rylie na nakatingin sa akin at tinuro ang mukha ko. Tumango naman siya kaya binaba ko ang aking kamay. Dapat na ba akong masanay sa ganitong set-up ng buhay?

"Okay lang ako but, I don't want to see someone dying in front of me. Just like what happened a while ago," sagot ko sa kanila at nanahimik naman sila.

Hindi man lang sila nagulat sa sinabi ko na parang alam nila na ito ang sasabihin ko. "Me too, pero wala tayong magagawa. Sila pa rin ang masusunod at pawang mga alipin lang tayo rito," segunda naman ni Rylie at panay tingin sa paligid.

Hindi na ako nakipag-usap sa kanila bagkus ay nagsimula ako magtrabaho. Baka malaman pa nila na sila ang pinag-usapan namin at maparusahan pa kami dahil sa usapan namin. Lumayo ako kina Rylie at kumuha ng walis upang magwalis dito sa Hall. Nagsimula na ako sa pagwawalis ng mga basura na maliliit.

"You're doing a great job. Hindi kami nagkamali sa pagpili sa iyo dahil sumusunod ka sa patakaran ng maayos," sabi ng tao na nasa harapan ko.

Tinigil ko ang pagwawalis at hinarap siya. Nakasuot ito ng white longsleeve na plain ang design at black pants. Nakasuot din siya ng white sneakers. Medyo bilugan ang kanyang mata na malaki, makapal ang kilay at matangos ang ilong. Ang jawline naman niya ay bumagay sa kanya. Light purple with white ang kulay ng kanyang buhok na bumagay sa itim niyang mata.

Matangkad siya at hanggang balikat lang ako sa kanya. Sa tingin ko ay 6'0 feet ang height niya. "Magandang umaga," bati ko sa kanya at yumuko dahil napansin ko na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

"Magandang umaga rin," bati niya kaya napalaki ang mata ko at kinuha ang walis paypay na nabitawan ko sa sobrang gulat.

Yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagwawalis. "Have a nice day ahead and goodluck," dagdag nitong sabi at narinig ko na lang ang papaalis niyang yapak.

Napangiti ako ng maliit pero agad din nawala dahil may nahagilap akong nakatingin sa akin. Nakatayo ito sa may poste ng hall pero agad din siyang umalis. Tanging likod niya lang ang nakikita ko at black ang kanyang buhok at parehas sila ng gupit noong lalaki na kumausap sa akin sa bakuna ng hagdan.

Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagwawalis hanggang sa matapos ako. Pagkatapos ko magwalis ay dinaspan ko ang basura at kinuha ang daspan para dalhin sa basurahan. Habang naglalakad ako sa basurahan ay nakasalubong ko 'yong dalawang miyembro ng organisasyon. Ang isang lalaki ay 'yong malaki ang biceps at 'yong isa ay 'yong una namin nakilala.

"Ikaw pala 'yan, Anasha?" tanong ng taong laging nakangisi.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pero nanatili akong tahimik kahit na 'yong lalaki na malaki ang biceps dahil iba ang tingin niya sa akin. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Nakangisi rin ito na nakatingin sa aking leeg kaya pa-simple ko itong tinakpan gamit ang buhok ko.

"Ako nga po ito, anong maipanglilingkod ko sa inyo?" magalang kong tanong at bahagyang yumuko.

Narinig ko ang tawanan nilang dalawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero natatawa sila. "Wala naman, kung papayag ka lang na may gawin kami sa iyo na ikakaligaya mo," sabi ng lalaking laging nakangisi.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon