CHAPTER 15

151 25 3
                                    

At kagaya nang kaniyang sinabi, sinundo niya ako pagkatapos ng aking trabaho. At habang sakay ng sasakyan, kapwa pareho kaming tahimik. Seryoso siya habang nagmamaneho. Samantalang ako naman ay nakatingin lamang sa kaniya.


"Jay, I want to know something." I finally broke the silence. "Pumunta ka ba sa Shop last time?"


"Yes," agad niyang sagot.


"Kailangan mo bang gawin ang bagay na iyon?"


"That was part of my job."


"Ang puntahan ako sa Shop sa araw ng day-off ko is malaking kalokohan. Alam mong off ko, pero pumunta ka pa rin."


"Ikaw ang nagbibigay ng problema sa sarili mo," tugon niya.


"At ang isali ang Staff ko sa kalokohan mo."


"She's nice. And besides, mapagkakatiwalaan naman siya." Gusto ko siyang bugbugin pero alam kong wala akong magiging laban sa kaniya.


"Punyeta ka, Jay."


He laughed a little, "Huwag mo akong murahin, Ashleigh. Dahil hindi mo ako madadala sa pagmumura mong iyan."


Inirapan ko siya saka bumaling sa may bintana. At mula sa aking kinalalagyan, para akong isang ibon na nakakulong. Walang kalayaan. Tanging rehas lamang ng mga problema ang aking kinakaharap maya't maya.


Pagkarating namin, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto saka minasamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko siya saka bumaba na rin.


"Humingi ka sa kaniya ng depensa," utos niya. "Ng sa ganoon, mabawasan ang init ng ulo niya."


"Hindi mo ako kailangang utusan." He closed the door saka humarap sa akin.


"Pinagsasabihan lang kita." Nagsimula siyang maglakad habang nakasunod naman ako sa kaniya.


"Merhaba," bati niya sa ibang bantay na nasa labas at ganoon din pagkapasok namin sa loob ng bahay.


"Nasaan si Boss?" tanong niya pagkalapit sa isang kasamahan.


"Nasa dining area," sagot naman nito at agad naming tinungo ang dining place.


Limang lalaki ang nasa dining table, at isa sa kanila ang aking Boss. Tahimik ang kapaligiran pero agad din naman akong nagsalita.


"Good evening," bati ko at siya namang pag-angat ng tingin sa akin. Nagtama pa ang aming mga mata. Tumango lamang ang mga kalalakihan habang siya naman ay nakatitig sa akin ng masama.


Lumapit ako saka humalik sa kaniyang pisngi.


"Good evening," muli kong bati sa kaniya. Ngunit sa pagkakataong iyon, nakatingin ako sa kaniya. Huminto naman siya sa kaniyang pagkain.


"Anong oras na ba?" tanong niya habang nakadako ang tingin sa harap ng mesa. Pasimple kong tiningnan ang aking relo.


"Eight-Thirty."


"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Bumaling ako sa iba pa niyang kasamahan. Tahimik ang mga ito habang kumakain. Alam kong naririnig nila kami. Ganunpaman, umaasta lamang sila na para bang mga pipi't bingi.


"Masyado akong busy sa trabaho."


"Busy sa trabaho?" he smirked. "Baka naman sa ibang trabaho."


"Magtatalo na naman ba tayo?"


Tumingin siya sa akin. "Ano ba ang inaasahan mo?"


Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora