CHAPTER 17

101 20 3
                                    

A S H Y

I went home with nothingness. Tahimik ang paligid at si Jay lamang ang tanging nakabantay sa living area. Tinungo ko ang kaniyang kinaroroonan at umupo sa sofa.


"Tahimik yata," panimula ko. "Nasaan ang mga tao rito?"


"Nasa kabilang bahay."


Bumaling ako sa aming silid na nasa ikalawang palapag.


"Hindi pa ba siya umuuwi?"


"Marami siyang ginagawa ngayon."


"Tamam. Anong oras siya uuwi?"


"Wala siyang sinabi. Bakit, may balak ka bang lumabas ulit?"


Umiling ako, "Wala naman. Gusto ko lang malaman."


"Anytime, pwede siyang umuwi." Hindi na ako sumagot. "Kamusta iyong lakad mo?"


"Natapos ko na ang ipinapagawa sa akin ni Boss."


He smirked, "You're such a good girl. And for sure, matutuwa siya rito."


Itinuon ko ang aking atensyon sa kaniya. I was thinking na baka pwede ko siyang mahingan ng pabor.


"And Jay," I paused. "Pwede ba kitang pagkatiwalaan? Kahit na sa isang pabor lamang."


"One favor, huh?" He badly smirked.


"I'm serious. And please, just for one favor." He said nothing pero tumango siya.


"I missed my son, and I want to see him. Could you tell Gage about this? Please."


"Alam mong hindi siya papayag."


"Jay, hindi mo naiintindihan," tugon ko. "This is not about Rain. This is all about my son."


"Ash, huwag mong pahirapan ang sarili mo." Sandali pa ay tumayo siya, at ganoon din maging ako. Bumaling siya sa may labasan.


"They're here," he added, "at ayusin mo na ang sarili mo."


"Jay." Muli siyang bumaling sa akin.


"Don't worry," sagot niya at lumakad na rin para salubungin ang iba pang kasamahan. Kumilos din ako at mabilis na tumungo sa silid.



I closed the door at sumandal dito. Maghalong lungkot at inis ang aking nadarama. Nalulungkot ako dahil hindi ko magawang makasama ang aking anak. Naiinis din ako dahil hindi ko man lang nagawang piliin si Rain over all. Sobrang hirap. Palagi akong nahihirapan. Ngunit, kailangan ko maging matatag- for my son's sake.


At habang nakatingin sa phone ko, wala ni anumang tawag o text mula kay Rain ang dumating. Alam kong labis ko siyang nasaktan. Ngunit ang ginagawa ko ay para rin sa amin. Nakasalalay kay Gage ang tanging lihim meron ako, at iyon ang pagkakaroon ng Anak mula kay Rain. And I don't want Gage to divulge my toppest secret.









***
Rain had been distressed. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ay muli siyang babalik sa simula. For him, Ash is reiterated.


He sat on his swivel chair na tila tulala at may malalim na iniisip. The strawberry smell spread out. Inangat niya ang kaniyang tingin at nakita niya ang isang babaeng pumasok at papalapit sa kaniya.


"So, what's up?" tanong nito at umupo sa may sofa.


"We broke up," sagot naman niya at umiling. "Another game plan."



Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu