CHAPTER 24

82 5 0
                                    

I went to the shop as early as f*ck. At kahit na medyo sabog, nanatili pa rin akong nakatayo sa aking sarili. Alam kong masakit ang ginawa sa akin ni Gage, but I need to remain strong since may isang bata na umaasa sa akin.


And as usual, I do my part as a Manager. Buong araw akong nasa trabaho, and I thought na makakalimutan ko ang mga problema. Ngunit, mas lalo pa itong lumalala.


After everything, umuwi ako sa bahay. At saktong pagkapasok ko, siya rin ang pagbaba ni Gage sa hagdan. Hindi ko alam kung babatiin ko pa ba siya o iiwasan na lamang gayong hindi ko nagustuhan ang ginawa niya with his b*tch.



"Gunaydin," bati niya ng nakangiti at lumapit sa akin saka humalik sa aking labi. He stopped for a moment at tumingin sa akin.


"Amoy alak," giit niya at inalis ang kaniyang mga ngiti.


"Napainom ako kagabi."


"Sinong kasama mo?" Napaangat ang aking mga tingin sa kaniya.


"Ako lang mag-isa."


"You drove Jay's car," he said. I began to smirk.


"Boredom struck me," I answered. "So you're planning to go somewhere, huh?"


"Business meeting."


"Tinatawagan kita kagabi at hindi ka sumasagot."


"Masyado akong busy at alam mo iyon."


"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Nanatili akong nakatitig sa kaniyang mga mata habang siya naman ay pilit na umiiwas.


"May gusto ka bang patunayan sa akin, Ashleigh?"


I smiled a little, "Gage, kilala kita."


"I was on the meeting."


"Stop creating a false impression, Gage," tugon ko. "You're a bad liar."


"Lasing ka kaya kung anu-ano lang ang pinagsasabi mo."


"Talaga?" Sinimulan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa tapos pabalik.


"Magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka rin. Aalis ako ngayon at babalik din naman agad."


"Hindi ka ba pagod, Gage?"


Hinawi niya aking buhok at sinabing, "I will be right back."


"Gage, tell me, are you hiding something from me?"


He stayed closer at humalik sa aking pisngi. "I love you, Ash. Too much."


Umiwas ako sa kaniya ng tingin at siya naman ay nagsimula na ring humakbang.


"Gage, we need to talk." Bahagya siyang huminto at humarap sa akin. Mugto na aking mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak at mas lalo pa itong titindi.


"Do you still love me?"


"Magpahinga ka na, saka na tayo mag-usap."


"Bakit hindi ngayon?" mabilis kong sagot sa kaniya.


"Dahil hindi ka okay."


"Dahil din naman sa iyo, Gage. Dahil sa'yo." Pansin ko ang sunod-sunod na patak ng mga luha sa aking pisngi.


"At gaano mo na ako katagal niloloko?" Hindi siya sumagot at nanatili lamang siyang nakatayo habang nakatingin sa akin. Hindi siya nagulat maging sa aking sinabi. Wala siyang ekspresiyon.


"Tell me, Gage. Please, tell me. I want to know everything dahil deserve ko na malaman ang totoo. C'mon, Gage, I will listen."


Pasimple siyang tumango. "Yes, Ash and that is true.


I plastered myself with a smile, acting like I'm really fine though I'm not. "Ginawa mo ba ito dahil sa problema nating dalawa o dahil gusto mo lang? Baka naman . . . Baka naman isa rin ito sa mga plano mong paghihiganti sa akin. Tell me, Gage."


"Ash, let me explain." He began to hold my arms, making me calm down since tumataas na rin ang aking boses.


"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo?" Sa mismong kaniyang harapan ako humihikbi. Mga damdamin na kay sakit at ito'y hindi na mapipigilan pa.


"Buong buhay ko Gage laging nasa sa'yo, pero nagawa mo ito sa akin? Bana ihanet ettin, Gage. Bencil."


"Don't say that, Ash," pagpipigil niya sa akin. Mga tauhan niya ay tahimik habang nakatanaw sa amin. Pilit na kumakalma ang mga ito at maging siya.


"C'mon, ipapaliwanag ko sa'yo ng maayos."
Nodding my head, kumalma ako sandali.


"I have an affair to someone," kalmadong sabi niya. "She's Alexa and she's pregnant, and she's my fiancee."


"So you're planning to make your own family and leaving me alone empty and miserable. Aren't you?"


"Ash." My open hand landed to his face at napahimas siya sa kaniyang pisngi sa tindi ng aking pagkakasampal.



"You betrayed me, Gage. Senden nefret ediyorum. And I'm letting you go. Iyi geceler."

Sandali ko siyang tiningnan at mahinahong umalis palabas ng bahay. Everything has finally done and really on him.

Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]Where stories live. Discover now