CHAPTER 18

100 19 4
                                    

A S H Y


Nasa trabaho ako nang tumawag sa akin si Tiara kaya't agad akong nagmadaling umalis para kitain sya. And seeing her again is the same like of before.


At hindi kagaya ng aking nakasanayan, there's no Rain at all. At talagang wala na kaming komunikasyon sa isa't-isa. Tuluyan na kaming tapos. At kahit ganoon ang nangyari sa amin, I'm still thankful for having him atleast for a short period of time. At kahit papaano, napasaya niya rin naman ako. I learnt a lot from him. At siguro, ganoon ang buhay na para sa amin.


"Tiara." She was giggling as she saw me. Tumayo sya't niyakap ako.



"I missed you, Maddy," sabi niya pagkahiwalay sa akin. Masaya ako ng makita siya ulit.



"Yeah, and I even missed you, Tiara." Umupo kami at sinimulan niya na rin ang pagtawag sa Waiter. She stated our order. At habang nakatingin sa kaniya, saya naman ang bumuo sa kaniyang buong pagkatao. Isang saya na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit anong halaga.



Bumaling siya sa akin pagkaalis ng waiter.



"And, how's your vacation?" tanong ko.


"Yeah," she said, "masaya naman. I've enjoyed a lot of things there na kasama si Adams."


Tumango ako at nanatiling nakangiti.



"I learnt a lot. But, I missed this place," giit niya. "Iba pa rin ang saya sa mismong bansa kung saan ka nabibilang- ang saya na kasama ang isang matalik na kaibigan."



The waiter came and placed our drinks on at agad na umalis.


"And for sure, masaya ka na rin ngayon." Ang alam niya kasi, masaya ako sa naging buhay ko. Iyon ang buo niyang akala. Pero maging ako ay iyon din ang inaasahan. Subalit, pawang kasinungalingan lamang ang lahat.



"Naghiwalay na kami." Natigilan siya sa sinabi ko. Maging siya ay hindi makapaniwala sa aking sinabi.



"Ash, are you serious?"



Tumango ako, "Ako ang tumapos sa aming dalawa."



"Wait," she thought na nagsisinungaling lang ako o hindi kaya ay gumagawa lamang ng istorya.



"At paano mo naman nagawa ang bagay na iyon?"



"Dahil gusto ko," sagot ko na tila ba wala sa tamang pag-iisip.



She bitterly smiled. "Alam kong may dahilan ka. Tama?"



"Tiara," I began to hold her hand. "Pinakawalan ko siya dahil ayoko siyang itali sa isang relasyon na nababalutan ng matinding sekreto."



Tumango siya, "Alam mo ba ang ginagawa mo?" Sumeryoso ang kaniyang mukha.



"Inilalayo mo iyong sarili mo sa ama ng Anak mo," giit niya. "At ganoon din ang ginagawa mo sa anak ninyo."



Nagsimulang uminit ang aking magkabilang pisngi. Para akong sinampal sa matinding hiya.



"I can not put you up always, Ash," she simply said. "I can't even tolerate you because of the craziness you've had."



"I know," sagot ko.



"Ash," hinawakan niya ang aking isang kamay. "I'm your friend, but I don't want you to do this crap forever."



Tumingin ako sa kaniyang mga mata, at mas lalo akong nanghina. I'm so weak in love. Do I?



"Ash, naiintindihan kita. At alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo. Pero hindi ito ang sagot para sumaya ka. At dahil dito, mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo."



Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon