Chapter 15

4 0 0
                                    

Angelo's Pov.

4:45pm.

"Gelo? Where's Phia? Nandito na dapat siya."

"I'm sure malapit na sila, Ma. Sinabi ko naman po kay Ameerah na before 5, dapat nandito na sila ni Phia. Baka na-traffic lang."

"Hindi siya pwedeng ma-trap sa traffic. Call Phia, or your girlfriend. We need Phia's here."

"Yes, Ma."

"Hurry, nandito na yung ibang board of directors."

..

"Babe nasaan na kayo ni Phia?"

/"Nandito na sa company. But wait lang, babe. May tinulungan lang kami ni Couz. But malapit na kami, pasakay na kami ng elevator."/

"Okay. Thank you, babe."

/"You're welcome,babe. I hang up na."/ [Call Ended]

Phia's Pov.

"Ma'am okay na po ba kayo dito? Sigurado po ba kayo na hanggang dito na lang kayo? Saan po ba nagpunta yung kasama nyo?" tanong ko sa matanda na nakasakay sa wheelchair.

"Don't worry, ija. Baka pabalik na din yung kasama ko. Salamat sa inyo ng kasama mo."

"Couz, we need to hurry. Iniintay ka na nina Gelo.."

"Pero hindi natin siya pwedeng iwan dito ng mag-isa. Nasa loob siya company ng family ko, we need to look after her. Baka kung mapano siya dito."

"Tawag na lang tayo ng magbabantay sa kaniya."

"Sige na mga ija. Pumunta na kayo sa pupuntahan nyo at mukhang mahalaga."

"Security?? Security?" tawag ni Ameerah.

"Yes, ma'am?"

"I-assist nyo si Grandma. Bantayan nyo siya hanggang sa dumating yung kasama niya, okay? Bring her water if she's thirsty, okay?" utos ni Ameerah na nakapagpangiti sa matanda.

"Yes, ma'am."

"Let's go na couz?"

Tumango naman ako dito.

"Hindi lang kayo magaganda, napakabait nyo pa. Maraming salamat sa inyo."

"You're welcome, Grandma." nakangiting sabi ni Ameerah.

"Sige po. Ingat po kayo ah?" sabi ko sa matanda at sumakay na kami ng elevator.

"Nakalimutan kong kunin yung pangalan niya. She looks familiar to me. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan." sabi ko kay Ameerah sa loob ng elevator.

"Yeah, parang nameet ko na din siya somewhere. Hindi ko nga lang din matandaan. Ask na lang natin mamaya sa front lady. I'm sure kinuha nila yung name ni Grandma."

Pagkabukas ng elevator, si Gelo agad yung bumungad sa amin. Kasama niya din si Eric, Echo, and Hans. Mukhang nagulat pa sila sa akin.

"W-wow" inirapan ko naman si Gelo sa sinabi niya.

"Well, thanks to me. Ang ganda niya na, babe. Para na kaming kambal."

"Thanks, babe. Let's go. Kanina pa kayo hinihintay nina mama."

Sabay na naglakad sina Gelo at Ameerah kaya wala na din akong nagawa kundi sundan sila.

Ngumiti na lang ako kina Eric nang madaanan ko sila.

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon