Chapter 24

5 1 0
                                    

Meya's Pov.

Nakasakay na ako sa elevator at nakasabay ko si Eric at Phia ngunit kataka-taka yung kinikilos nilang dalawa.

Alam ko naman na hindi nga namamansin si Eric, pero bakit pati si Phia hindi na rin namamansin.

Pagkalabas namin ni Phia, dinala ko siya sa isang room kung saan kami lang.

"Ano? May dapat ba akong malaman? Alam nyo, hindi lang ako naimik sa elevator kasi baka ma-chismis lang kayo. Pero ano nga ang problema nyo ni Eric?" tanong ko kay Phia.

"Galit ako sa kaniya."

"Bakit? Dahil sa hindi siya namamansin?"

"Hindi lang dun. Gusto niya na lang daw na maging professional kami. Ayaw niya na akong maging kaibigan."

"Sinabi niya yun? Bakit daw?"

"Dahil...dahil..dahil--"

"Dahil ano nga?" tanong ko.

"Gusto niya ako. May gusto daw siya sakin." sabi ni Phia at di ko napigilan kiligin.

"Omg, so bakit kayo hindi nagpapansinan? Ano? Nililigawan ka na ba niya? LQ lang kayo ngayon?"

"Hindi kami LQ. Hindi niya ko liligawan kasi wala siyang balak. Sinabi niya lang na gusto niya ako. That's it. Ayaw niya na akong maging kaibigan. Hindi na daw siya sasabay sa atin sa lunch. Hindi niya ako kayang makasama. Tsaka dahil kaibigan niya din si George."

"Bakit naman ayaw ka niyang ligawan? Umamin na siya diba? Bakit ganun? Sinabi mo ba na hindi ka nagpapaligaw?"

"Wala siyang sinabi, Meya. Wala nga siyang balak sanang sabihin sa akin, na may gusto siya sakin kung hindi ko lang siya nabuking. Naiinis ako sa kaniya, Meya. Bakit ganun? Kung gusto nya ako, mapag-uusapan naman yun......Naiinis ako kasi di ko siya napigilan."

Nagtaka naman ako sa huling sinabi ni Phia.

"Huh?Anong ginawa ni Eric na hindi mo napigilan? Magsabi ka sakin ng totoo."

"Hinalikan niya ako."

"What the??? Totoo?"

"Sumakit ang ulo ko kagabi dahil dun. Paano niya nagawa yun sakin?Nagconfess siya pero balak naman niya akong iwasan, tapos hahalikan niya ako? Ang kapal ng mukha niya. Hindi ako basta-basta nagpapahalik, he's not even my boyfriend. Hindi ko siya binigyan ng karapatan para halikan ako ng ganun-ganun lang." galit na sabi ni Phia. At makikita talaga sa mga mata niya na galit siya.

"Anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam, Meya. Naguguluhan din ako sa sarili ko. Hindi ko na din maintindihan yun sarili ko. This fast few weeks siya lang din ang laman ng isip ko. Tapos simula nung di siya namansin, apektado talaga ako. Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil sa pag-aalala sa kaniya. Hindi ko alam, pero hindi talaga siya mawala sa isip ko."

"Phia? May..may gusto ka na kay Eric?" tanong ko dito.

Napatingin naman ito sa akin.

"Ano? Paano mo naman nasabi yun?"

"Kasi sinabi mo na lagi siyang laman ng isip mo. Nakikita ko naman na kapag kasama natin siya, masaya ka. Tapos nitong di natin siya nakasama, nakikita nga kitang apektado ka. Sa tingin ko, may gusto ka na kay Eric. Tsaka nagagalit ka sa kaniya kasi hinalikan ka niya pero wala siyang balak na panindigan yung ginawa niya. Tama? Tama ba ako, Phia?"

Hindi naman sumagot si Phia at bigla siya umalis.

"Phia?" tawag ko pero nakalabas na siya ng pinto.

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon