Chapter 4

5 1 0
                                    


...

Hindi ko alam kung iti-treat nga ako ni Gelo ng breakfast. Pagkatapos kasi ng meeting, e dumeretso si Gelo sa kaniyang office.

Wala naman siyang sinabi na kahit ano kaya dumeretso na lang din ako sa place ko.

"Sino ba yang babaeng yan? She's like bida-bida"

"Gold-digger"

"Alam nyo ba? Narinig ko na si sir gelo daw pala ang nagpapasok jan, sa babaeng yan dito..manggagamit"

Yan agad yung bumungad sa akin nang makabalik ako sa desk ko. Mga bulungan ng mga babae.

Wth

Hindi ko na lang sila pinansin at inayos ko na lang yung gamit ko.

Syempre hindi pwedeng mawala si George. Kinuha ko ang picture ni George mula sa bag at pinatong ito sa tabi ng computer.

"Perfect" nakangiting sabi ko.

May inspiration..

"Phia?"

Napalingon naman agad ako nang biglang may tumawag sa akin.

Isang babaeng may salamin. Mukha namang hindi nagkakalayo yung edad namin.

"Phia yung pangalan mo diba?" Mahinhin na tanong nito.

"Ah oo. Phia Isaac and you are?"

"Meya Gagan, same tayo ng department" nakangiting pakilala nito.

Naglahad naman ako ng kamay at tinanggap naman nito agad.

"Nice meeting you Meya" sabi ko.

"Ah boyfriend mo? Ang gwapo ah" biglang sabi nito.

Lumingin naman ako sa tinitingnan niya.

"Ah yeah" pilit na ngiting sagot ko.

"Nasaan pala siya?" Tanong pa ulit nito.

"Nasa malayo siya e" pinipigilan kong hindi maging malungkot.

"LDR pala kayo"

Hindi ako sumagot, sa halip ay tumango na lang ako.

May nakikita naman ako ilang mga tao na nakatingin sa amin.

Ilan sa kanila ay biglang umirap sa akin.

"It's better kung tatanggalin mo yan jan, Phia" napalingon naman kaming dalawa ni Meya kay Gelo na nakacross-arm pa at seryosong nakatingin sa akin.

"Good morning po Sir Gelo" bati ni Meya pero hindi ni Gelo ito pinansin. Tanging sa akin lang siya nakatingin.

"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ko dito.

"Ayaw kong makikita yang picture na yan dito" seryoso pa nitong sabi. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nito.

"Bakit ko naman tatanggalin? George is my inspiration"

"You mean distraction" biglang dagdag naman nito.

"Ano bang problema mo sa kaniya huh?" Inis kong sabi dito at tumayo para harapin siya.

Lumapit naman siya sa desk ko at kinuha yung picture ni George at sinilid sa bag ko.

"Please Phia. Hindi siya makakabuti sayo. Mas lalo mo lang papahirapan yung sarili mo" seryosong sabi ni Gelo.

Alam ko yung pinupunto niya. Sasabihan na naman niya akong paano ko makakalimutan si George kung lagi kong nakikita yung picture niya.

Napatingin naman ako sa paligid. Karamihan sa kanila ay nakatingin sa amin tipong nagtataka tapos yung iba naman ay masasama kung makatingin.

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon