Chapter 17

5 1 0
                                    

Eric's Pov.

9:58pm..

After kong manggaling sa resto, pumunta ako sa bahay ni Phia.

"Nakauwi na kaya siya?"

"Kauuwi lang."

Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko.

Si Phia..

"Anong ginagawa mo jan?" tanong ko.

"Hindi ba dapat, ako ang nagtatanong niyan? Anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay ko?"

"Ah e, gusto lang kitang kamustahin. Nagdinner kayo ng lola mo diba? Okay ka lang ba?"

"Concern ka na ata sa akin?" nakangiting tanong nito.

"Wala kasi dito si George. Kung nabubuhay pa siya, siguradong pupuntahan ka nun. Kaya bilang kaibigan niya, hindi kita pwedeng pabayaan. Dadamayan kita."

"Hindi kilala ni George si Lola Trinidad. Halika, pasok ka."

"Ah hindi na. Napadaan lang talaga upang tignan kung okay ka."

"May gagawin ka pa ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Nagdinner ka na?"

"Hindi pa. Sa bahay na ako magdidinner."

"Dito ka na magdinner. Medyo gutom pa kasi ako. Hindi ako nabusog sa dinner namin ng lola ko. Tara?"

Hindi na ako tumanggi dahil ewan ko ba, meron sa loob ko na gusto ko siya makasama.

.....

Hindi ko maiwasang matawa nang dinala niya ako sa kusina.

"Inakit mo ba akong magdinner dito para may tagaluto ka? haha" natatawang sabi ko at kumuha na ng paglulutuan.

"Hahaha parang ganun na nga. Well, hindi kasi ako magaling sa pagluluto. Mga prito lang ang alam ko. Tutal, magaling ka naman na chef, edi sayo ko na ipapagawa."

"Hindi ako pro-chef. Hilig ko lang talaga ang magluto."

"Dzuh? Ganun din yun."

Napailing na lang ako.

"Ano bang pwedeng lutuin dito?" tanong ko at binuksan ang ref niya.

Hindi ko naman naiwasang matawa.

"Yun lang, nakalimutan kong mag-grocery haha" sabi ni Phia at siya ang nagsara ng ref.

Tinignan ko naman ang cabinet at lucky may nakita ako.

"Pancit? Gusto mo ng pancit?" tanong ko.

"Sanay ka na bang magluto ng pancit? May pancit kasi na ayaw ko ang texture. Nawawalan kasi ako ng ganang kumain, makita ko palang yung kinalabasan ng luto."

"Patay. First time kong magluluto ng pancit." sabi ko at nagpipigil ng ngiti.

"Weh? Di nga? Ikaw pa. Di ako naniniwala." sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Di pa naman tayo ganun katagal magkakilala. Bakit mukhang bilib na bilib ka na sa cooking skills ko? Ms. Phia Isaac?"

"Grabe haha hindi ako bilib na bilib. Medyo lang haha. Tsaka, may isang tao din kasi na nagkuwento sakin na idol ka niya sa pagluluto. Siya yung bilib na bilib sayo."

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon