Chapter 21

10 1 0
                                    

Eric's Pov.

"Matatago mo ba ito sa kaniya ng matagal? Kung lumalapit nga yung loob sayo ni Phia, di ba mas lalo mo siyang masasaktan kapag nalaman niya ang totoo. Bro, walang sikretong di nabubunyag." -gelo

'Tama si Gelo. Mas lalo kong masasaktan si Phia dahil tinuring na niya akong malapit na kaibigan. Sabihin ko na kaya sa kaniya ang totoo?'

"Hoy?!?! Kunot yung noo mo? Stress ka?" nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Si Phia.

"Anong ginagawa mo dito?" kapansin-pansin ang mga matang nagtitinginan samin.

"Namiss kita." sabi nito at kinunutan ko lang ito ng noo. "Hahahaha joke lang, aakitin lang kitang mag-coffee. Busy kasi si Meya. Tsaka, may sasabihin ako sayo hahahahaha..siguradong matutuwa ka para sa akin."

"May ginagawa pa ako e." sabi ko.

"Mabilis lang tayo promise. Kahit maubos mo lang yung coffee mo, pwede mo na akong iwan. Sige na, please?"

"Ayan ka na naman e. Kaya tayo nachichismis."

"Hahahaha bahala sila mag-isip ng kung ano-ano." sabi nito at hinila na ako kaya wala na akong nagawa kundi sumama.

Hindi naman kami umalis ng company. Dito pa rin kami nag-coffee sa floor ko. At ito si Phia, nagsimula na agad magkwento habang pinagtitimpla ako ng kape. Kaya habang nagkukwento siya, ako naman ang kumukuha ng makakain namin.

"Sa tingin mo, kaya ko yun? Magiging model ako e."

"Oo, kaya mo yun." sabi ko.


"Kinakabahan pa din ako e. Maganda naman ako diba?" sabi nito at pinaharap niya ako sa kaniya at nag- iba-iba siya ng side ng ulo. "So? Maganda ba ako kahit saang angle?"

'Ang ganda mo.'

"What do you think?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Ano bang klaseng tanong yan?" tanong ko.

"Wow naman Eric. Simpleng-simple lang naman ng tanong ko. Ikaw ha? Napaghahalataan na kita. Hindi ako manhid nuh. May tinatago ka sakin. I know, I'm pretty sure, may hindi ka masabi sakin."

Napalunok ako.

"What do you mean? Ano naman ang sasabihin ko sayo?"

"Na crush mo ako. Crush mo ako." proud pang sabi nito at inabot sakin yung coffee ko.


"Mahilig ka siguro sa kape. Lakas ng tama mo ah. Naisip mo pa yun? Muntik na akong kabahan." sabi ko.

"Hahaha hindi ako mahilig sa coffee pero yes, malawak yung sense of humor ko hahaha. Tingin ko nga, nagsimula kang magkagusto sakin nung bago pa lang ako dito. Natatandaan mo yun? Yung first day ko palang sa work, tapos ayun, you saw me, kunwari ka pang masungit pero ang totoo. Na love at first sight ka. Kaya ang ginawa mo para mapansin agad kita, ayun pinagtanggol mo si Hanna para mabaling sayo yung atensyon ko."

Binaba ko yung coffee sa mesa at napahawak ako sa ulo ko. Napapikit pa ako. Pagkatapos nun, hinarap ko si Phia.

"Pwede bang tigil-tigilan mo na ako? Daig mo pa yung mga chismosa sa building e. Galing mong gumawa ng story telling."

"Hahahahaha talaga? Feeling ko nga, writer ako nung sinaunang panahon.



Kinuha ko yung coffee at ininom.

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon