Chapter 5

6 1 0
                                    


Meya's Pov.

Sabay sabay pa rin kaming bumalik sa office. Like what I expected. May mga nakatingin sa amin dahil kasama namin si Eric. Pero hindi na lang namin sila pinansin.

Tutal para namang walang pakialam sina Eric at Phia. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad.

Pasakay na sana kami ng elevator nang tumigil si Phia dahil nagriring yung phone nito.

Sinagot niya agad ito nang makita kung sino ang caller.

"Bakit?...ngayon na? Tsk okay..papunta na" sabi nito at binaba na yung phone. Tumingin naman ito samin at lumapit.

"Si Sir Gelo. Pinapapunta niya ako ngayon sa bahay niya. Kailangan ko ng umalis" tumango naman ako. Sumulyap lang ito kay Eric bago umalis.

Pagkaalis ni Phia ay sumakay na din kami ni Eric ng elevator.

"Ano bang meron kina Phia at Gelo?" Biglang salita ni Eric kaya lumingon ako dito.

"Bakit? Iniisip mo din yung sinasabi ng iba? Naku hindi totoo yun nuh haha. Bakit mo ba natanong? Type mo si Phia nuh? Type mo! Hahaha" Tukso ko dito.

"Alam mo, ikaw? Ang dami mong sinasabi. Nagtatanong lang naman ako. Curious lang" tanggi nito.

"Sus kunwari ka pa hahaha..hindi naman mahirap magustuhan si Phia. Maganda na, mabait pa. Kaso baka hindi ka nun pansinin kung sakaling pormahan mo siya. Mukhang mahal pa nun si George e, yung ex niya" sabi ko at tumingin sa harap. Hinihintay na magbukas na yung elevator.

"George?! George yung pa-pangalan nung namatay niyang boyfriend?!"

Nabigla naman ako nang biglang sumigaw si Eric.

"Ang taas. Hindi naman ako bingi diba?" Sabi ko dito.

"Ano nga Meya? Geor-george nga yung pangalan nung namatay niyang boyfriend?" Sabi nito at abang na abang sa magiging sagot ko.

"George yata yung sabi niya. Happy?"

Nagtaka naman ako ng biglang tila malalim na yung iniisip ni Eric.

"Hoy anong iniisip mo?" Tanong ko dito.

"2 years ago namatay yung ex nya diba?" Biglang sabi nito pero malalim pa rin yung inisip.

"Oo" sabi ko na lang.

Ano bang problema nito?

"Bakit mo ba natanong?"

.....

Phia's Pov.

Tulad ng sinabi ni Gelo, pumunta ako ng bahay niya.

Tapos saktong kararating ko lang ng bahay nila ay nagtext pa siya na pumunta ako ng kuwarto niya para itago ang isang stuff toy na dinosaur.

To: Angelo

Seriously? Pinapunta mo ako dito para itago ang isang laruan? Niloloko mo ba ako?

Sent.

Buti naman at hindi niya ako pinaghintay at nagreply agad siya. Tinawagan ko naman siya kanina pero hindi na niya sinasagot.

From: Angelo

Just do it for me. Itago mo na bago pa kami dumating jan ni Ameerah. Hindi niya dapat makita yan. Pls ikaw lang maaasahan ko

"Problema ng dalawang 'to talaga"

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon