Chapter 6

6 1 0
                                    


Phia's Pov.

Kinabukasan pagpasok ko sa office ay agad na si Eric yung nakasalubong ko.

May naririnig ako bumabati kay Eric at ngumingiti naman ito. Kaya tuloy yung mga babae e kilig na kilig.

Napailing na lang ako.

"Good morning Phia" lumingon naman ako dito at ngumiti.

"Morning" bati ko dito.

"Agap natin ah" sabi pa nito habang nakangiti sa akin habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"May naiwan kasi akong trabaho kahapon, hindi ko natapos kaya gusto na agad yun matapos baka mapagalitan ako"

"Good" puri nito.

May tatlo naman kaming nakasabay ni Eric sa elevator.

"Good morning po sir Eric" "Good morning po sir Eric"  sabay na bati nung dalawang babae at may isang lalaki pa kaming kasama.

"Good morning din" nakangiting bati ni Eric sa mga ito. Ngiting-ngiti naman yung dalawang babae.

"Good morning" dinig kong bati ng lalaki. Nagtaka naman ako nang hindi narinig na bumati din si Eric. Kaya lumingon ako sa lalaki.

Nakatingin ito sa akin.

"A-ako ba binabati mo?" Takang tanong ko dito.

Ngumiti naman siya.

"Good morning" bati nito.

"Ah good morning din" naiilang kong bati dito.  Sa 4th floor bumaba yung tatlo. Sumulyap pa yung dalawang babae bago umalis. Pasara na yung pinto nang may humabol na lalaki. Agad siyang pumasok.

Nanlaki naman yung mga mata niya nang makita ako.

"Phia?! Miss beautiful. Kapag sinusuwerte ka nga naman. Good morning, Phia" nakangiting bati nito.

"Morning" sabi ko na lang.

"Kumain ka na?" Kunot-noong lumingon naman ako dito.

"Oo" sabi ko at tumingin ulit sa pinto at hinintay na magbukas na kung saan akong floor bababa.

"Pasaan ka Ryan?" Dinig kong tanong ni Eric.

"Sir Eric? Nandyan ka pala. Hindi agad kita napansin. Ah papunta ako sa management team. May papatanong lang ako" sabi ni Ryan.

Hindi ko na narinig na nagsalita ulit si Eric.

Tiningnan ko naman kung saang floor na kami. Nasa 29 floor na kami. 34 floor yung bababaan ko.

"Phia? Pwede kang makasabay kumain mamayang lunch time. Huwag kang mag-alala, my treat"

"Hindi siya nagpapalibre" biglang imik ni Eric. Lumingon naman ako kay Ryan.

"His right. Hindi ko hilig magpalibre tsaka may plans na rin ako mamayang lunch e" sabi ko dito.

Tumango naman ito.

"Sayang naman. Next time, hindi ko treat" nakangiting sabi nito.

Pilit na ngumiti lang ako dito.

Wala naman talaga akong plano para mamayang lunch. Hindi ko lang bet na may kasabay na lalaking kumain na kakikilala palang maliban kay Eric, kasama naman namin si Meya. Okay lang naman kay Gelo dahil pinsan ko naman ito.

Nasa 34 floor na kami kaya nauna na akong lumabas. Lumingon naman ako kay Eric at ngumiti bilang paalam, kumaway naman si Ryan kaya nginitian ko na lang din ito.

New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon