Chapter 26

5 1 0
                                    

Phia's Pov.

"I think I also like you. No, I like you. And I also want to try. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero masaya ako kapag kasama kita. Kumportable ako sayo. Gusto kita laging nakakakwentuhan. And interested din ako sa buhay mo. Masaya ako nung nakasama ko kayo ni Emman. Like, kaya kong mabuhay ng matagal kasama kayo. Gets mo? Simple lang. Kumpleto tayo. Para tayong pamilya." sabi ko.

"Bago ko sabihin 'to sayo. Tinanong ko na din yung sarili ko about sa nararamdaman ko para sayo. Kung totoo bang may gusto na rin ako sayo. Kasi baka iniisip ko lang na may gusto na rin ako sayo dahil may gusto ka sakin. Na baka kaya iniisip ko na gusto kita dahil gusto kitang kaibigan. I know to myself na higit pa sa kaibigan yung tingin ko sayo. But I'm still confused about my feelings. Di pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, gusto kita higit pa sa isang kaibigan pero hindi ko alam kung katulad ito nararamdaman mo para sa akin." dagdag ko pa.

Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko habang nakangiti sa akin si Eric. And I think, may balak na naman siyang halikan ako. Pero hindi ko na siya hinintay pa at ako na ang lumapit at hinalikan siya. I don't know pero natuwa ako kissing scene namin. Kiss na hindi nakakapagod.

Nang humiwalay ako kay Eric. Nagulat naman ako sa biglang sulpot ni Gelo.

"Ehem. tok tok. Nakaistorbo ba ako?" tanong niya.

'Hindi ko napansin na nagbukas yung pintuan? So, hindi imposible na nakita niya kami ni Eric na naghahalikan?'

"Pasok." sabi ni Eric kay Gelo.

Tumayo naman ako at itinabi na yung pinaltan kong damit ni Eric. 

"May nalaman na ba kayo tungkol dun sa mga gustong manakit kay Phia?" tanong ni Eric.

"Wala pa e, pero sabi ng mga police posibleng mga kalaban namin sa negosyo ang may pakana nun. Unti-unti na din kasing nakikilala si Phia. After all, siya ang tagapagmana ng Chua's Corporation. And Phia, hindi ka na talaga pwedeng tumanggi. Talagang magagalit na si Mama. Sa bahay ka daw namin magstay, whether you like it or not."

"But--"

"Phia no more buts." seryosong sabi ni Gelo na hindi ko na talaga pwede siyang kuntrahin. Sa ganyang kaseryoso, kailangan manahimik na lang ako at sundin siya.

"Kamusta yang sugat mo? Magaling na ba?" baling na tanong ni Gelo kay Eric.

"May sira ba yang utak mo? Kanina lang yan nangyari. Tapos magaling na agad??" sabi ko.

"Malay natin. Sa halik mo, gumaling agad yan diba?" sabi nito at biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha.

'Nakita nga niya!'

"Duh!? Bakit ba kasi hindi ka muna kumatok bago ka magbukas ng pinto?" inis kong sabi.

"Naiwan kayang nakabukas. Tsaka nakita ko na kayong naghahalikan, sisirain ko pa ba yung moment nyo. Ano? Kayo na nyan diba?" tanong ni Gelo habang nakatingin kay Eric.

"Ewan nga e. Pinsan mo magdedesisyon nyan. Umamin na ako sa kaniya na seryoso talaga ako sa nararamdaman ko para sa kaniya, pero siya alanganin pa. Pero ayaw ko siyang i-pressure. Maghintay ako."

"Alanganin pa sa lagay na yan? Halata naman na gusto ka rin nyan. Diba Phia?"

Inirapan ko naman si Gelo. Nang tignan ko si Eric, nakatingin ito sa akin.

"Katulad ng sinabi ko kanina. I want to try. Gusto ko ulit tumaya. Ayaw kong magsisi." sabi ko habang nakatingin kay Eric. Ngumiti naman siya sakin.

"Ate Phia? We're back po." napalingon naman kami sa batang kapapasok lang ng kuwarto.

"Hi Emman. Do you still remember me?" bati ni Gelo kay Emman.

"Hello po. Yes po, naaalala po kita. One time ka na pong nagvisit samin ni dada. Ang sungit mo pa nga po dun sa kausap nyo sa phone eh. Ikaw po yung friend ni dada, right?"

"Hahaha ako nga yun." natatawang sabi ni Gelo.

"Ang daya, matagal mo ng alam yung tungkol kay Emman. Bakit hindi mo ito nababanggit sa akin Gelo?"

"Hindi ako tsismoso." sabi nito.

"Ate Phia?" tawag ni Emman kaya lumingon ako dito. "Girlfriend ka na po ni dada ko?" tanong nito. At hindi ko naman inaasahan na itatanong nya.

"Emman. Pasensya na kayo. Nakita daw kasi kayo kanina ni Emman na nagkikiss daw, kasi bumalik si Emman dito para sana itanong kung anong gusto mong kainin Phia." sabi ni Ate Dina.

'So that's explain everything. Kung bakit naiwan na bukas yung pinto.'

"Totoo, Emman. Girlfriend ko na yung Ate Phia mo." masayang balita ni Eric.

"Yeyy! May mama na ako, Tita Dina." masayang sabi ni Emman.

Bigla namang tumawa si Gelo.

"Hahaha instant mom ka na ngayon. Congrats hahaha..Happy Family na kayo."

"Emman, you'll still call her Ate Phia, okay?" imik ni Gelo kay Emman.

"Why?" tanong ni Emman.

"G-girlfriend ko palang ang ate Phia mo. Hindi ibig sabihin nun na mommy mo na agad siya." sabi ni Eric. At tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Ah, so you mean, dahil girlfriend mo lang ako, pwede pa rin na iba ang maging mommy ni Eric? Ganun?" mataray na sabi ko.

Narinig ko naman na tumawa si Gelo pero hindi ko siya pinansin at nakatuktok lang ako kay Eric.

"Kasasagot lang, hiwalayan na agad hahahaha" sabi ni Gelo.

"Hindi kasi. Syempre, ikaw ang gusto ko. I mean, ikaw? Iniisip lang naman kita, baka di ka kumportable na maging nanay ni Emman."

"Dada? Ate Phia? Huwag na po kayo magtalo. I get it po." sabi ni Emman

"But pwede mo akong tawagin kahit na anong gusto mo Emman? If you want to call me your mama. Okay lang sakin." sabi ko kay Emman.

Ngumiti naman ito sa akin.

"It's okay, Ate Phia. Susundin ko po si Dada." nakangiting sabi nito.

"Pero promise, pwede mo akong ituring mama mo if you want."

"Kapag kasal na lang po kayo ni dada, Ate Phia." sabi ni Emman na kinatigil ko.

"Napakaadvance naman mag-isip ni Emman, Eric. Nice. Btw, on the way na din dito sina mommy nung papunta pa lang ako dito. Baka parating na din yun."

At di nagtagal ay dumating na nga sina na Tita Mel at Tito Lin.

Kinamusta ang kalagayan ni Eric. And  then napag-usapan din namin yung nangyari kanina.

Kaya mas lalo akong pinag-ingat ni Tita. At talagang sinabi niya na sa bahay na daw nila ako uuwi.

"Tita? Can I stay with Eric?"



New SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon