TABLES HAVE TURNED

398 19 8
                                    

Third Person POV

Binuksan niya ang pintuan ng kuwarto ni Yuri habang bitbit niya ang isang tray na naglalaman ng pagkain nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito nang makita nito si Yuri sa may bintana na nakatanaw sa malayo.

"My love, your food is ready".

Bahagya itong lumingon sa direksyon ni Jin. Blangko ang ekspresyon nito. Hindi mahulaan kung anong nasa isip. Tiningnan nito ang ang laman ng tray bago ibinalik ang atensyon sa tanawin na naaabot ng mga mata niya.

"Do you want me to feed you?"

Tanong sa kanya ni Jin. Wala siyang nakuhang sagot mula dito. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan nito habang hawak pa rin ang tray na naglalaman ng pagkain.

"Hey..you need to take your medicine.  You need to eat your lunch, my love".

Malumanay na sabi ni Jin dito. Sa pangalawang pagkakataon ay tumingin ulit ito sa kanya na blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha. Tumingin ito sa tray at bigla na lang nito itong tinabig. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Jin sa nangyari. Nabigla at nagulat siya sa ginawa ni Yuri. Parang nanlalambot ang tuhod niya nang lumuhod siya para linisin ang natapong pagkain.

Aktong nadatnan ni Charm at ang asawa nito. Halata ang gulat at ang awa sa mga ito nang masaksihan nila kung paano nito dinadampot ang kanin na natapon na halos dumikit na ang iba sa carpet.

"Sir, let me do it".

Pag-aalok nang tulong ni Jerome — ang asawa ni Charm.

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan nito at sinabing kaya niya namang linisin ang mga iyon kaya hindi nito kailangan tulungan siya.

"Ayaw kong kumain. Ang kukulit niyo talaga. Bakit ba hindi kayo makaintindi??"

Halos pasigaw na sabi ni Yuri sa kanila. Ilang beses na itong nangyayari simula nang umuwi sila ng Siargao. Minsan ay may tantrums talaga si Yuri pero ni minsan ay hindi nakita nila Charm na sinukuan ito ni Jin. Palagi itong iniintindi ni Jin kahit pa minsan ay hindi na maganda ang ginagawa ni Yuri dito.

"If you don't want the food I cooked for you, tell me what you want so that I can prepare it for you".

Malumanay na sabi ni Jin.

"I DON'T WANT ANYTHING!! GET LOST!"

Kitang-kita ang awa sa mukha ni Charm nang magkatinginan sila ni Jin. He gave her a reassuring smile that everything is fine.

"Sir, I will handle it. You should rest and eat".

Yumuko ito at bahagyang tumango. Bagsak ang balikat nang lumabas ito sa pinto. Ito ang unang beses na nakita ni Charm ang pagod sa mukha nito. He's doing everything he can to give all his love, attention, and effort to Yuri. Simula nang dumating sila dito sa Siargao ay parang nag-iba na ang buhay nito.

Jin tried to blend in with the people around him. He tried his best to embrace the life in the countryside. For someone who was born and raised with a golden spoon in his mouth, he's really doing well. He didn't complain with his life right now, but rather, he always welcome it as part of the changes he always wanted - away from the limelight.

Nakita ni Charm at Jerome ang kagustuhan nitong matutunan at isapuso ang pamumuhay sa ganitong estado. Pero nakita din nila itong nahihirapan sa pag-intindi at pag-unawa sa kalagayan ni Yuri. May mga bagay na pilit iniintindi nito pero hindi ito nagiging madali dito lalo na't minsan ay mahirap ang pinagdadaanan nito kay Yuri.

Tumungo si Jin sa dalampasigan upang magpalipas ng oras. Ito ang madalas nitong ginagawa kapag nahihirapan itong intindihin si Yuri. Imbes na magpadala sa bugso nang damdamin, mas pinipili nitong lumayo na lang para maiwasan ang hindi nila pagkakaunawaang dalawa. 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon