MY SUPERSTAR 11

692 35 1
                                    

"Tired?" inabot niya sakin ang isang bottled water habang pinupunasan ko ang pawis ko.

"I can't keep up. You're very intense tonight". Komento niya sakin habang habol parin ang hininga niya.

When I went out from jail I was diagnosed with Intermittent Explosive Disorder (IED) mabilis akong magalit at hindi ko kayang kontrolin ang galit ko. Hindi ko alam kung paano ko siya nakuha pero sabi ng doctor ko pwedeng nakuha ko siya dahil sa kapaligiran ko mismo. Nakatrigger din ang stress, abuse, poor social or familial situations, and anxiety. Kapag sobrang hindi ko makontrol ang galit ko imbes na pigilan ko ang sarili ko mas pinili kong ilabas ito sa pamamagitan ng paglalaro ng jiu jutsu. Jiu jitsu is a form of Japanese martial arts. Dito ko nilalabas ang lahat ng galit ko at kapag sobrang pagod na ako at wala ng lakas saka ako hihinto at magpapahinga.

"What happened?" tumabi siya sakin at pinagmasdan ang namumula kung mga kamay habang tinatanggal ko ang handwraps ko. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at pinagtawanan niya lang ako. I punched him on his arm at mas lalo lang siyang natawa sa ginawa ko. 

Myeong Jae Hyo is working under Dale. Part-time model siya ng Dale nong nagsisimula pa lang kami sa London. He's a private investigator too. Siya ang hiningan ko ng tulong para maimbistigahan si Carmi at Gwan Chung Ha. He's like a brother to me. Hindi kami madalas magkita pero alam niya ang kwento nong nakulong ako. Isa siya sa mga kumumbinsi sakin na kailangan kong pagbayarin ang mga taong ginawan ako ng masama. 

"Carmi Sandler and Gwan Chung Ha are ex-lovers before. He was the boyfriend of Carmi before Jin. They had a relationship for 10 years since they were in middle school. I'm still gathering the information about why they broke up. Here..check this out". Binigay niya sakin ang cellphone niya at pinakita sakin ang isang litrato. Napakunot noo ako at mataman itong pinagmasdan. 

"Who is this?" tanong ko sa kanya. 

"That's Gwan Chung Ha". Ang layo ng itsura niya sa ngayon sa picture na tinitingnan ko. Is this really him? Paano naging siya to? Napatingin ako kay Jae ng naisip ko ang posibleng dahilan kung bakit nagbago ang itsura niya. 

"He underwent a plastic surgery, Yuri. We're still trying to find out the reason why he did that. Since he changed his identity, his family doesn't know he's in jail and he's also using a different name before he got caught. He's using Park Hyun Seo. He changed his identity completely after his surgery". Naguguluhan ako. Kaya pala ng sinambit ko ang totoong pangalan niya parang bigla siyang natakot at nagulat.

"No one knows about his identity right now aside from us and of course, Carmi. We can use this against him". Bahagya akong napatango sa sinabi niya. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan niya magpalit ng identity. Hindi naman siya pangit dati, actually he's really good looking before. 

"Someone is watching my moves secretly, Jae". Hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Mukhang inaasahan na niyang sasabihin ko yon sa kanya.

"I know that's why you need to be careful with your moves because we still don't know your enemies. You need to be more sensitive to your surroundings".  

"Thank you so much for your help". Iniabot ko sa kanya ang isang envelope. Nagtatanong ang mga mata niya kung para saan yon.

"You know I can't accept this". Binalik niya sakin ang envelope kaya natawa ako sa ginawa niya. Akala niya siguro bayad sa trabaho niya at hindi ko naman planong sirain kung ano man ang napagusapan namin dati. Kapalit ng pagiimbistiga niya ay ang exclusive contract niya sa Dale bilang isa sa mga official model namin. 

"Open it first". Sinunod niya ang sinabi ko. Binuksan niya ang envelope at binasa kung ano man ang nakasulat sa loob.

"An invitation? Thanksgiving party?" I decided to hold a thanksgiving party para sa mga dating empleyado ng SAFI at sa mga mananatili pa na mga empleyado kahit iba na ang mamamahala at ang pangalan nito. It's now Yuri Dale's Asia Food Inc. 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon