Chapter 10

1.3K 36 1
                                    

Chapter 10: Murderer


Sa lamig ng simoy ng hangin. Mga ulap na unti-unting nilalamon ng dilim kasabay ng paghangin ng ibang hibla ng aking buhok at may isang taong naniniwala sa kaya kong gawin.

Sa bawat araw na lumilipas ay kusang lumalabas ang mga kakayahan na hindi ko inaasahan. Do I need this?

"Nagsisimula na po sila, kailangan niyo po itong suotin." Tinig ni Gracia sa likod ko.

Hinarap ko siya suot-suot ang simpleng dress para sa dinner na kinakabahan akong daluhan dahil nandoon ang mga magulang ni Davis at tingin ko pati ang mga kamag-anak nila.

"Para saan 'to?" Tanong ko habang sinusuot niya sa akin ang isang singsing.

"Sa paraan na iyan, makikilala ka ni Lord Zariv bilan isang tao. Ngunit hindi ka mawawalan ka ng kakayahan habang suot iyan at si Lord Gideon lang ang kayang makatanggal niyan. Bawal ang isang Ellery sa teritoryo ng mga Calter, Lady Viana." Paliwanag niya at napabuntong hininga lang ako.

Nauna siyang lumabas at pinakalma ko muna ang sarili ko. Isa lang ang ibig sabihin ni Gracia. Kayang-kaya ako patayin ni Lord Zariv at alam kong siya ang nangunguna pinakamalakas na mga bampira.

They're not just a Calter for nothing.

Wala silang pakialam kahit kanino at hindi ko rin alam kung kilala ba ako ni Lord Zariv sa mukha dahil tago ang pangalan at pagkatao ko maliban kay Vanna.

Lumabas na ako at ginamit namin ang elevator. Sa pagbukas ng pinto ay si Davis ang sumalubong sa akin suot ang isang itim na suit.

Nilahad niya ang kamay niya na tinaggap ko naman ng nakangiti. "Chillax, they can't know you." He whispered and I just shooked my head.

Hinawakan niya ng marahan ang kamay ko bago kami naglakad ng daretsyo palabas at sumakay sa limousine. Bumaba kami sa isang magarbong mansyon na may red carpet pa sa gitna.

Sa tahimik ng paligd at puro puno ay hampas ng hangin lang ang naririnig namin. Sabay kaming naglakad at pagpasok ay mas malaki pang bungad sa akin kaysa sa mansyon ni Davis.

"This is too big..." bulong ko at narinig ko lang ang mahinang tawa niya bago ipulupot ang kamay sa baywang ko.

Pag apak namin sa huling carpet ay mahabang mesa ang nag aabanag sa amin. Nakaupo sa gitna si Lord Zariv na matagal ko ng gustong makita. Ang ina ni Davis na mala anghel ang mukha pero pulang-pula ang labi pati ang mga kuko.

Si Zaxton na seryoso ang mukha habang suot din ang black suit. May babae sa tabi nito at napalunok ako ng makitang prinsesa ito ng Sidrid. Umupo si Davis sa tabi ng kapatid nang paupuin ako.

Marami kami. Mga pinsan, tito at tita. Cold family like an ice. Ang masayang pamumuhay lang yata ay ang clan ng Halmora at Amoryia.

"Before we start, I want to introduce to all of you, my wife..." ani Davis at tumayo kaya tumayo rin ako. "Haviannah Hellith Calter." Ngumiti pa ito at ganoon din ako ngunit malalamig lang na tingin lang ang nakuha ko.

May isang lalaking nakangisi sa akin at nagpakilala. "Caleb, their cousin." Anito at nagpakilala rin ako.

Marami pa silang nagpakilala at masyado silang marami para matanda pero alam ko na sa mukha. Isang matanda pa ang nakapukaw ng intensyon ko. Si Uncle Ramon, the greedy one.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon