Chapter 29

575 28 3
                                    

Chapter 29: Reason

Hindi pwede...

May roong hindi alam si Savannah...

Lumaki akong libro ang kasama sa oras-oras habang siya at ineensayo gamit ang palaso at espada. Bilang susunod na uupo sa trono, kailangan kong maging matalino dahil wala akong kakayahang ipaglaban ang aking kaharian.

Pero bakit ako kung pwede naman ang kapatid ko? Higit siyang mas malakas sa akin.

Ginamit ko ang pananalita ng mga tao tuwing kausap si Dad dahil kailangan kong sanayin ito dahil sabi niya ay maglalabas-masok ako sa mundo ng mga tao at dito para ipagpalitan ang mga gamit, pera at iba pang pangangailangan ng kaharian namin.

Ginugol ko ang sarili ko sa pagbabasa, kahit na ang mga batas ay binasa ko rin ngunit may mga librong hindi sa akin pinapabasa ni Dad at Mom mula sa mahiwagang tatlong libro na nasa kanilang kwarto.

Ang salita ng mga taong nakuha ko na kaysa sa salita ng mga bampira. Pero tuwing kaharap ko ang mga konseho at nasasakupan ay kulang na lang dumugo ang ilong ko sa salita ng mga bampira.

Nung araw na sumunod kami sa mundo ng mga tao, mas bata pa ang Isip sa akin ni Vanna kaya hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan nina Mom at ang unang ranggong.

Nais nilang pababain sa trono ang aking Ama.

Una, akala ko ay magtataksil sila pero nang unti-unting nagkakaisip... habang nakaupo si Dad ay patuloy din ang paghihirap ko dahil isa lang ang gusto niyang makuha sa akin kaya niya ako pinipilit alamin ang aking kapangyarihan.

Si Mom ay nagmula sa lahi ng mga Cullen, sa kaharian ng Amoryia. Half vampire, witch and enchantress. Si Dad naman ay mula sa purong bampira na nasa Svanvera na mismo na may dugong malalakas sa pakikipaglaban.

Hindi ko alam kung anong nagtulak kay Dad para gawin lahat nang pagtataksil niya mismo sa sarili niyang mga anak. May sariling batas ang bawat kaharian pero may sarili ring batas ang buong Ambrosea Lafamorre.

Si Davis ay gumawa ng batas na bawal umibig sa isang mortal pero siya mismo ay sinuway iyon kaya humina ang nagtitiwala sakaniya at maaring maraming magpabagsak sa tronong kinauupuan niya.

Tumayo ako at lumakad papunta sa bintana para tingnan ang buwan. "Wala akong kakayahan, Vanna. Sinasanay ko pa lang ang sarili ko dahil hindi ko pa masyadong nakokontrol ang kapangyarihan ko," narinig ko ang pagtayo niya at pagtabi sa akin.

"Mahina na ang kaharian ngayon dahil hindi na kaya ni Dad, pagsumama ka sa akin ngayon ay tingin ko matutuwa ka." Aniya at doon ako napatingin sakaniya dahil may maliit na ngiti sa labi niya.

"Tingin mo ba ay kaya ko? May dugo na akong Calter, Vanna. Hindi ko alam kung may dugo niyo pa ako, tingin mo ba ay malaya na tayo sa kamay ni Dad?" Tanong ko at nilipad ang ilang hibla nang buhok namin.

Nanigas ang mga mata niya, "If you will come with me, Mom will explain to you everything." She smiled and this is the news I'm waiting for a long day.

Mom is alive...

Bago kami umalis ni Vanna ay nagpahinga kaming pareha hanggang lumabas ang araw. Nagpaalam kaming maayos kay Pinuno lalo na kay Tristan na ngayon ay nakangiti sa amin.

"Salamat ulit, Tristan. Dadalaw ulit kami rito pagkatapos nang lahat ng ito." Ngiti ko at umiling siya habang natatawa bago yumuko sa aming parehas ni Vanna.

"Hanggang sa muli aking mga kaibigan, aasahan ko iyan." Tawa niya at parehas naming sinapak ni Vanna ang dibdib niya katulad nang ginagawa namin noon tuwing nagkakatuwaan kami.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon