Chapter 33

519 26 1
                                    

Chapter 33: Take Back

Nagliwanag ang mga mata ni Mom, gano'n din sa akin. I'm happy but afraid at the same time, I can feel the warmth of her hands and the cold wind hugging my whole body.

"Wala ng mga bantay o kawal sa ibaba, sinabihan ko na ang iyong tiyuhin. Maari mo nang damhin ang kapangyarihan mo, Viana," aniya at unti-unti ring umaangat ang katawan na para bang may bumabalot na mahika sa katawan ko. "I will guide you." Paninigurado ni Mom.

I closed my eyes to feel the wind, ramdam ko ang paglipad ng mga buhok ko sa likod lalo na ang suot ko. I could hear the flowers touching each other.

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang kong nasa gitna na ako nang Hardin. Nabukas ang dalawa kong braso at saglit akong napangiti dahil mismong katawan ko ay nagliliwanag.

Mom is singing. Dahilan kung bakit mas lalong naging agresibo ang hangin at pakiramdam ko ay maraming mata ang nakatingin sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko para kausapin ang kapangyarihan ko.

Nilagay ko sa dibdib ko ang dalawang kamay ko at doon nanalangin na ako'y kanilang pakinggan upang malaman ko kung paano sila paamuhin. Sa lahat ng ito, may kapangyarihan pa rin ako mula sa rati kong katauhan.

I'm not just a vampire, I've enchantress power.

May kung anong lamig ang yumakap sa akin at ramdam ko ang lakas na ibinibigay nito. Ang mga huni ng mga ibon ay parang musika na humahalo sa paghampas ng mga dahon. Pagmulat ko na ng mga mata ko ay siya ring pagliwanag nang buong Hardin.

I fell to the ground, lasa ko ang dugo sa bibig ko.

"Haviannah!" I heard Mom shouted my name and I just can feel the numbness of my body while my tummy is on pain. Tears fell on my cheeks.

Narinig ko ang mga boses nina King Samuel at Queen Anatasha, Mom, Kelly, Cleo and Savannah. I want to open my eyes but my vision went blank.

"Haviannah, tumayo ka!" malakas ang boses ni Lola habang nakasandal na ako sa puno sa sobrang lakas ng kaniyang kapangyarihan.

"H-hindi ko n-na po kaya——"

"Paano ka magiging susunod na Reyna kung ganiyan ka kahina?! Your enemies doesn't have a mercy!" Lapit nito sa akin at itinayo ako gamit ang kaniyang mahika kaya tumulo lang ang mga luha ko.

I'm only 5 years old. They said, vampire heart is not beating anymore but why I can feel my heart? This is the reason why I'm questioning myself if I am really an Ellery.

Hinaplos niya ang pisngi ko at lumiwanag ang mga kamay niyang nagpagaling sa mga galos ko sa mukha. Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang ginagawa nila ni Mom.

"Anak po ba talaga nila ako?" wala sa huwisyo kong tanong kaya gumuhit ang gulat sa mukha ni Lola na agad ding nawala at ngumiti.

"You are, Viana. Alam kong bata ka pa ngunit malalaman mo rin ang lahat kapag nabuksan mo na ang mga libro," anito na siyang kinasalubong ng kilay ko. She deeply sighed. "Marami kang sasagupaing problema at hindi kita matutulungan, may hangganan din ako ngunit hindi rito natatapos ang paggabay ko sa iyo."

"P-pero..." hindi ko na masabi ang susunod.

Bumuntong hininga siya, "Sa araw na makuha mo ang tiwala ng kalikasan sa iyo, ang mga kamay mo mismo ang magbubukas sa mga libro. Doon mo malalaman kung bakit..." tumabi siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "You're born to become Queen and you're Queen until your last breath."

Pagkatapos no'n ay may naramdaman na lang akong kwintas sa leeg ko. Lumingon ako sa paligid at wala na si Lola, kusang tumulo ang luha ko dahil hindi ko na maramdaman ang presensya niya pero ang lamig ng hangin ang siyang nagbibigay paalala sa akin.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon