Chapter 27

571 25 2
                                    

Chapter 27: Tears

Kusa akong kumalas sakaniya at iniwas ang mga tingin. "K-kailangan kong makausap s-si Lola——" bago ko ituloy ang sasabihin ko ay hinila niya ang kaliwang siko ko at sinubsob ako sa dibdib niya.

"But promise me, calm your self first. We will both face, Grandma." Mahinahon niyang sabi at mabagal akong tumango. Ramdam niya ang higpit nang hawak ko sa gilid ng polo niya na halos na magusot na.

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang pumitik at natagpuan ko na lang na nasa tapat kami ng isang bahay. Humiwalay ako sakaniya at luminga, mangha akong tumingin sakaniya at tango lang ang naibigay niya.

He has that kind of power.

Nasa ibaba na kami ngayon, sa bayan.

Tiningnan ko ang bahay at luma na ang desenyo nito. Sakto lang ang laki at mukhang walang taas pero sigurado akong malawak ang ibaba nito.

"Grandma used to stay here than to my mansion, she said that she's happy here." Kwento ni Davis at kumatok sa kahoy na gate habang tanaw namin ang katamtamang pinto, kulay kayumanggi ang kulay nito.

Hindi rin kami napapansin ng mga bampira rito dahil lahat sila ay abala sa kanilang ginagawa lalo na't hindi kami dumaan sa tamang daanan, alam kong kinakatakutan si Davis dito.

Kusang bumukas ang gate na para bang may mahika sa loob nito. Lumingon ako kay Davis na nakabusangot na kaya nagtaka ako pero agad na rin siyang hinila papasok. Agad akong napahinto.

Ramdam ko ang mahika. Bakit?

"What's wrong?" Tanong ni Davis at huminga ako nang malalim.

"Can you feel the magic here? I mean... the powerful magic. I think there's a powerful witch inside." Saad ko at nagdikit ang dalawang kilay ng asawa ko.

"Grandma is alone inside, wife." Maikli niyang sagot kaya hindi na ako nag-alinlangan pang hilahin si Davis papasok sa loob ng bahay na dahan-dahan ding bumubukas ang pinto.

Probably, Grandma can answer all of my questions. Halos nakalimutan ko nang mag-aayos ako ngayon ng mansion.

Nang makapasok kami sa loob, nakapamulsa lang si Davis sa tabi ko habang ako ay iniikot ang mga mata para suriin ang buong bahay. Tama ako, malaki nga ang loob ngunit nakikita ko ang mga lumulutang na libro, gamot, potion at iba pa.

"This room," turo ni Davis sa kanang pintuan at ngayon ko lang din napansing halos 5 ang kwarto rito at hindi pa ako sigurado kung ilusyon lang iba rito.

Pumasok kami at pinauna niya ako. Naabutan naming nagbabasa si Lola sa kaniyang rocking chair habang may salamin sa mata. Marami ring libro rito at ang iba ay puro nakalutang din pati na ang ibang lapis at ballpen.

"Nandito kayo para tanungin ako, tama? Wala akong masasagot sa ngayon." Pagbabalik tuon ulit ni Lola sa binabasa niya at huminga ako nang malalim ulit bago lumapit sakaniya at yumuko.

"Tell the truth, Lola." Pagmamakaawa ko at wala akong nakuha sagot sakaniya kun 'di ang paglipat nang mga pahinga mula sa binabasa niya.

Naramdaman kong naglakad palapit sa amin si Davis. "Sa 'yo rapat manggaling lahat, Lola. Tell her the truth, para malaman niya ng maayos at maliwanag. We're begging now, Grandma." Pakiusap ni Davis.

Doon na tuluyang isinarado ni Lola ang kaniyang makapal na libro nang malakas. Bigla ring naglitawan ang mesa at upuan sa harapan niya kaya dahan-dahan kaming lumapit roon.

"Umupo kayo at nang maipaliwanag ko, unawain niyo at huwag kayong makain ng inyong mga emosyon." Paliwanag ni Lola at sinunod namin siya tyaka naman hinawakan ni Davis ang kaliwang kamay ko para pakalmahin ako.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon