Chapter 35

554 27 1
                                    

Chapter 35: Memories

Mula nang napunta ako rito bilang tao ay maraming galit at ang iba ay mabait. Hindi ko alam kung sino ang dapat pakisamahan, paniwalaan at kampihan.

Akala ko ay ordinaryo lang ako na kinuha ni Davis para maging Reyna niya sa sariling kaharian pero mali ako. Galing ako sa maharlikang pamilya na siya ring dahilan kung bakit kami nagdudusa ngayon.

Mula sa Ama, na siyang pinakamaraming kaaway sa mundong ito, hindi na namin alam kung saan lulugar. Bawat kaharian ay kalaban, hindi mo masasabing kakampi dahil hindi mo rin alam ay sinasaksak kana patlikod.

Ako, na nawalan ng alaala. Muling nabuhay makalipas ang ilang daang taon at tahimik na namumuhay sa mundo ng mga tao pero may mga bampira pa palang naghihintay sa akin na bumalik ako sa sarili kong mundo.

Lubos ang akala ko na hindi ako isa sakanila, tao ako at hindi namumuhay ng matagal. Pero na ng ipamulat sa akin ni Davis kung sino talaga ako, tinanggap ko iyon kahit na may kapalit.

Ang kasiyahan.

Ngayon, kilala ngunit hindi ko nakikita ang kalaban ko. Alam ko kung ilan silang mga nangunguna pero hindi alam kung sino pa ang darating. Kaya ngayon pa lang ay nangangamba na ako sa mga mangyayari.

Pero... anong kinalaman nung mga libro? Kapag nabasa ko ba iyon ay may magbabago? O dapat kong itama ang mga maling nakasulat doon?

"Davis..." humiwalay ako sakaniya.

"Huwag mong itago, Viana. Huwag mong iparamdam sa batang ayaw mo sakaniya dahil lang nasa panganib kayo. I failed once, but I will not fail this time." Paninigurado niya pero bago pa lang kami lumabas nang pinto ay pumasok na si Lola na hingal.

Dinaluhan ko kaagad siya para makatayo nang maayos. "Lola..." tawag ko dahil may kaunti pa rin akong sama ng loob sakaniya, lalo na sa pagsisinungaling niya.

"K-kailangan mo ng mabuksan ang mga libro, hija. Hindi na r-rin ako magtatagal, maraming nakaabang sa iyong paligid. B-buksan mo na ang mga libro... itama mo ang pagkakamali ng Ama mo," nahihirapan niyang salita at biglang may lumabas na dugo sa bibig niya.

Si Davis ang nagbuhat sakaniya para ihiga sa sofa. "She's hiding this to us, isasakripisyo ni Lola ang sarili niya para sabihin ang dapat ibunyag." Seryosong boses ni Davis kaya mabilis akong lumapit kay Lola.

"Makikinig po ako," hawak ko sa kamay ni Lola.

Nanunubig ang mga mata niyang tiningala ako. "A-ang Diwata na siyang nagpapahirap sa iyo ay nakakulong sa isang taong kweba... h-hinihintay ka niyang b-buksan ang mga libro at kalabanin ang kapangyarihan niyang ibinasbas sa kalikasang pahihirapan ka," napapikit ito at pilit napapangiwi. "Kapag hindi mo nabuksan ang l-libro at napakawalan ang D-diwata... mawawala muli ang iyong alaala...."

"Saan pong kweba?" Tanong ko.

"N-nasa mga libro... umalis kana ngayon at buksan iyon hanggang may natitira ka pang mga araw bago ang pagbilog ng buwan... nararamdaman kong tinanggap ka na ng mismong kapangyarihan mo. Sugpuin mo ang sumpang iginawad sa iyo dahil sa galit at pagkamuthi... p-patawad, apo...." Huli nitong sabi at unti-unti sumarado ang mga bibig.

Nanginig ang mga tuhod at kamay ko kasabay nang pagiging abo ni Lola. Muntik na akong matumba sa pagkatulala kaya mabilis akong nasalo ni Davis.

Tinatago rin ito ni Davis kahit masakit. He lost his own Grandmother just to protect us.

"D-davis... naguguluhan a-ako..." nauutal kong sabi at malalim na buntong hininga niya lang ang narinig ko. Nilingon ko siya at matamlay ang mga mata niya. "You are aware to all of this?" Peke kong tawa at doon niya ako tiningnan sa mga mata.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon