Chapter 34

672 26 0
                                    

Chapter 34: Blood

Tahimik kami sa loob ng karwahe at akmang kakausapin ko si Vanna ay hinilig niya ang likod niya atsaka pumikit para hindi maistorbo o ayaw lang talaga akong kausapin.

Bumuntonghininga na lang ako bago hinawi ang kurtina nang karwahe para pagmasdan ang labas. Puro pagaspas lang ng nga dahon ang naririnig ko kaya suminghap ako bago rin pumikit.

I fell asleep.

Isang babae ang natalikod sa akin dito sa may Hardin, likod pa lang ay mukha na siyang Diwata. Nakasuot niya ng pangmaharlikang kasuotan at saktong paglingon niya ang kawalan ko nang hininga.

Galit ang mga mata nito at tila puno ng kalungkutan, pait ang paghihiganti ang nakikita ko sakaniya. "H-hindi ako m-makahinga..." luhod ko at may ilang butil ng luha ang lumabas sa mga mata niya gayin din sa akin.

"Pagbabayaran mo lahat ng ginawang pagtataksil na ginawa ng iyong ama! Magdurusa ka sa habang buhay at ikaw na mismo ang kikitil sa sarili mong buhay!"

Halos isumpa niya ako kaya minabuti kong gisingin ang sarili ko pero boses ni Vanna ang nakapagpagising sa akin. Hingal akong umupo at lumunok bago lumingon kay Vanna na nag-aalala ang mukha.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Naguguluhan  niyang tanong.

"May nakita akong Diwata... galit siya kay Dad, Vanna." Saad ko at kumunot ang noo niya na parang alam ang sinasabi ko pero pinili niyang manahimik at isarado ang mga labi niya. "May nalalaman ka ba?" Tanong ko.

"I have my limitations, Viana. I will die if I tell you, I'm sorry." Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n at tumingin din sa bintanang nasa tabi niya habang ako ay naiwang nakatulala.

Alam niya? Hanggang saan ang nalalaman niya? Imposibleng may sumumpa sakaniya, pero posibleng tinatago niya lang para hindi magulo ang mga mangyayari pa lang.

Okay, I get it.

Tahimik lang ulit akong tumingin sa labas at hindi na ako inantok. Bakit ang laki ng galit nung Diwata? Para bang kilalang-kilang niya si Dad at may past sila o meroon talagang namamagitan sakanila?

Lalong sumasakit ang ulo ko.

Matapos ang mahabang oras, muli kong nasilayan ang malaking tarangkahan ng Elfego. Umiba nang direksyon sina Mom patungo sa Svanvera at sinabihan niya akong magingat at bumalik ng ligtas.

Tatlo kamo ngayong papasok sa loob at umawang ang labi ko nang may marinig na kung anong ingay. Sumilip ako at nanlaki ang mga mata ng makita ang mga bampirang nagkakasiyahan sa labas ng mansyon.

Paano sila nakapunta rito? Akala ko na ay walang daanan—lalong kumunot ang noo ko ng buksan na ni Cleo ang pinto ng nang karwahe namin. "Imposible..." mahina kong bulong.

"Something you didn't know about the wall," tinuro niya ang gilid kung saan banda ang mga kabayo. "Once Davis blood drip under that wall, Elfego City wall will automatically make a cut and make it's way to it quickly." He explained.

Lalo tuloy akong namangha pero wala akong oras para tumunganga pa. Nagpa-iwan si Vanna sa baba para makisaya kahit papaano at sinamahan naman ako ni Cleo papasok.

Sinalubong ako ni Gracia kaya bumalik sa isip ko ang ginawa niya. I looked at her emotionless. "Wala akong oras para malaman ang ginawa mo pero naiintindihan ko. Saka na tayo mag-usap pagkatapos kong alamin ang lahat."

Mukha siyang gulat sa sinabi ko at yumuko na lang bago gumilid. Nakangisi si Cleo sa tabi ko at mas ginusto naming gumamit ng hadgan kaysa sa elevator. Dito ko rin naalala si Gevina, nasaan na kaya siya?

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon