Lovely Summer Donayre POV~

101 5 0
                                    

---

It was my 4th year now in high school and still didn't know that guy's name. Palagi lang siyang nasa Coffee Shop namin tuwing weekends para lang uminom ng Caramel Macchiato. Minsan pa nga nagmamadali siya at tini-take out na la ng yung in-order niya.

Tulad na lang nung gabing pasara na ang Shop namin, nakita ko siya mula sa glass window na papunta sa Shop. He's wearing a simple Black Hoodie and Jeans. Mabilis siyang pumasok sa Shop at nagkataon na ang 2 waitress namin ay nakaalis na at ang Papa ko ay may ginagawa sa kusina kaya kaming dalawa lang ang nandun. Tumingin siya sakin at hindi ko alam pero napaiwas ako saglit saka ako lumapit sa kanya.

"Ah sorry, pero pasara na kasi yung Shop namin eh." Panimula ko pero tumingin lang siya sa labas kaya naman napatingin din ako.

"Ulan?" Ang biglang nasabi ko. Bakit naman bigla atang umulan?

"Wala akong dalang payong pauwi kaya pwede bang mag-stay muna ako saglit dito?" Napatigil ako sa sinabi niya. Yun ang unang pagkakataon na nagkausap kami.

"Ah eh, Oo naman. Sige okay lang." Ang nasabi ko na lang saka ako tumalikod.

"Thanks." Sagot naman niya.

Bakit ba ako kinakabahan? Meron bahagi dito sa puso ko na natutuwa ako. Ito na ba ang tamang pagkakataon na makilala ko siya? Mapalapit kaya ako sa kanya?

Habang naglalakad ako papuntang kusina ay tiningnan ko siya pero sa labas siya nakatingin.

Ang lungkot ng mga mata niya? May nangyari kaya sa kanya?

Ano ba'tong naiisip ko gusto ko siyang makausap, gusto kong itanong kung meron ba siyang problema. Napahawak ako sa dibdib ko habang pasimpleng nakatingin sa kanya.

Gusto ko magkaroon ng lakas loob kausapin siya pero bakit mas kinakabahan ako sa isipin na gusto kong mapalapit sa kanya.

"Anak?" Gulat akong napatingin kay Papa.

"Ah Papa... Ano-" Sinilip ni Papa ang taong tinitingnan ko at gulat siyang tinanong ako.

"B-Bakit meron pa tayong customer anak? Di mo ba nilagyan ng 'Close' card ang Shop?" Tanong ni Papa.

"Ah nilagyan ko po Papa kaya lang.." Muli ay napatingin ako sa kanya. "Nakiusap kasi siyang manatili saglit dito dahil umuulan at wala siyang payong. Uhm, loyal customer naman po natin siya kaya pinayagan ko." Sagot ko naman. Ngumiti lang sakin si Papa saka ako tinapik sa balikat.

"Ganun ba? Okay sige, gagawan ko muna siya ng Hot Caramel Macchiato Coffee." Sagot ni Papa saka na siya pumasok ulit sa kusina. Nakatayo lang ako habang inaantay si Papa. Nang matapos niyang gawin ay nilagay niya sa paper cup para ma-take out niya. 

"Ihatid mo na yan sa kanya anak at sabihin mo na isasara na natin ang shop kaya dapat na siyang umuwi sa kanila. Mukha namang ambon na lang ang nasa labas." Utos sakin ni Papa saka na siya pumasok sa employees room.

Kinakabahan ako habang hinahatid sa kanya yung Coffee, napansin naman niya ako kaya agad siyang napatingin sakin at nagulat siya nung bigla kong inabot sa kanya yung Coffee.

"Hindi ako nag-order." He simply says.

"Tanggapin mo na lang, ginawa yan ni Papa." Sagot ko naman.

Yumuko siya at walang lingon na kinuha niya yung cup sakin."T-Thanks.." He said.

The way he acts, I think nahihiya siya sakin. "Your welcome." Sagot ko.

Tumahimik bigla ang paligid at wala ni isa samin ang nagsalita kaya naman ako na ang nagsalita.

"Ah nga pala, sabi ng Papa ko ay isasara na namin ang Shop kaya.. kaya.. ano.." Bakit ba ako kinakabahan? Hindi na ako napatingin sa kanya, kaya naman nagulat ako nung bigla siyang tumayo at nag-bow. 

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now