CHP. 1 "New Beginning!"

88 3 0
                                    

---

Lovely's POV~

"Yes! At last, pasukan na! Excited na ako! Ano kayang kinaibahan ng high school sa College no?" I tapped his back.

"Wag kang masyadong excited Matt, baka mawalan ka na ng energy mamaya pagpasok natin." Sagot ko sa kanya. Sa aming tatlo ay siya talaga yung maraming sinasabi kanina pa habang nilalakad namin ang hallway papuntang bulletin board.

"Nadaig mo pa ako sa kaingayan mo. Hayst." Biglang singit ni Mikhail saka niya inayos ang earplug sa phone niya.

"Masyado ka namang seryoso Miki, diba dapat ma-excite tayo kasi isa 'tong bagong adventure sa buhay natin." Sagot naman ni Matt saka niya inakbayan ang kambal niya.

"Tsk! Bawas-bawasan mo nga kakabasa ng fantasy books! Saka alisin mo yan kamay mo kasi mabigat!" Pagsusungit naman ni Mikhail saka niya siniko si Matt.

Natawa naman ako sa kanilang dalawa kaya naman pumagitna na ako at inakbayan sila.

"Okay kayong dalawa tama na yan! Malapit na tayo sa bulletin board! Let's go!" I cheerfully says.

Nang makarating kami sa harap ng bulletin board ay marami ding mga estudyante ang hinahanap ang pangalan nila kung saang room ba sila at kung sino ang mga classmate nila. Sa dami ng estudyante ay hindi kami makasingit kaya naman nandito lang kami sa likuran.

"Matt, lalake ka kaya ikaw ang makisiksik at hanapin mo ang pangalan nating tatlo." Seryosong utos ni Mikhail kay Matt.

"Bakit ganyan ka sakin kambal? High school palang tayo lagi nang ako ang gumagawa nito sa'ting tatlo." Patampong effect bigla ni Matt.

"Wag mo nga akong artehan diyan, ikaw ang matangkad sa'ting tatlo no! You think, kakayanin naming makisingit sa kanila ha?" Sagot naman ni Mikhail saka niya tinulak si Matt sa mga nagsisiksikang estudyante. "Dali na kasi gawin mo na!"

"Ah, ano Miki, kawawa naman si Matt, baka hindi niya kayanin eh. Maghintay na lang tayo dito." Dugtong ko, palagi na lang kasi silang ganitong dalawa kaya ako naman ang laging pumapagitna. Well, sanay na naman ako pero minsan nakakaawa din talaga itong si Matt.

"Don't worry Lovely, kayang-kaya ko yan! Ako pa ba? Sige, maghintay kayo dito at hahanapin ko na ang respected class natin!" Sabi niya na nae-excite na naman. Parang kanina lang nagda-drama siya tapos ngayon nae-excite na naman. No wonder, kung bakit talaga minsan nasusungitan siya ni Mikhail.

"Tss, baliw talaga." Bulong ni Mikhail. Natawa na lang ako. Magkambal nga sila pero napakalayo ng ugali nila sa isa't-isa. Oh well, that makes them perfect as twin siblings.

Naghanap kami ni Mikhail ng mauupuan. May nakita kaming vacant chair malapit sa drinking machine kaya naman pinaupo ko si Mikhail at pumunta sa harapan ng drinking machine. Bumili ako ng dalawang bottled water at binigay ko ang isa kay Mikhail at tinabihan siya.

"Nakakapanibago." Napatingin ako bigla kay Mikhail dahil sa sinabi niya. Ngumiti lang ako at sumandal.

"Oo nga eh, pero siguro maa-adapt din natin ang pagbabago lalo na at college na tayo. Saka wala naman tayong dapat ikababahala eh kasi magkakasama pa din naman tayo katulad nung mga bata pa tayo at nung high school pa lang tayo." Sagot ko naman para i-cheer up siya. Ngumiti naman siya sakin at sumandal din.

"Oo naman, masaya ako kasi kasama ko pa din kayong dalawa ni Matt." Sagot naman niya.

"Yeah. I wonder, ano kaya ang unang gagawin natin sa klase ngayon? May entrance ceremony kaya?"

"Well, hindi ko masyadong iniisip yung Lovely. Ang iniisip ko ay anong klase kaya meron tayo ngayon? Kakaiba yung mga subjects natin at ang grading system kaya yun ang gusto kong malaman muna ngayon."

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now