CHP. 8 "Heartfelt."

33 2 0
                                    

--

Lovely's POV~


Sa Classroom. Monday Morning...


Agad kong hinanap si Frey pagpasok ko pa lang pero wala siya sa upuan niya. Umupo na lang ako sa upuan ko at bumuntong-hininga.

Ang aga-aga pero siya agad ang hinahanap ko? Ganito ba kalakas ang epekto niya sakin?

Nangalumbabang tumingin ako sa bintana.

Bakit kaya bigla niyang naisipan na gusto niyang makomportable ako sa kanya? Ano kayang reason niya?

"Hey, Lovely." Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Cynthia?" Nakatayo siya sa gilid ko at may binigay na papel sakin.

"A-Ano 'to?" Takang tanong ko saka ko binasa ang nakasulat dun.

"As you can see, by next week na ang simula ng competition kaya dapat mag-ready na tayo." Cynthia said.

"T-Teka? Bakit may competition? Akala ko ba voluntary 'to?" Tanong ko.

Nakalagay sa printed paper na lahat ng nag-volunteer sa Class Representative sa bawat freshmen class ay magko-compete para maging official Class Representatives of overall freshmen in Culinary Arts Depatment.

"Ang alam ko din, kaso mukhang binago nila yung system plan kaya binigay na nila sa'tin yan." Seryosong sagot sakin ni Cynthia.

"Teka? Paano natin sisimulan 'to?" Takang tanong ko.

"I don't know. Mag-usap kayo ni Frey about diyan, kami na ang gagawa ng plano kapag nakapag-usap na kayo." Sagot sakin ni Cynthia saka na siya bumalik sa upuan niya.

Sighed.

"Captured!" Gulat akong napatingin kay Heyley na mukhang kakarating lang at may hawak siyang Camera.

"Heyley? Teka, bakit may dala kang Camera?" Takang tanong ko.

Umupo siya sa upuan niya at excited na tumingin sakin. "Kasi, official member na ako ng Photography Club so simula ngayon, lagi ko ng dadalhin ang Camera ko at kukuhaan lahat ng events dito sa school." Excited na sabi niya saka niya binalik ang atensyon niya sa Camera.

"Bali gusto mong maging updated?" Takang tanong ko.

"Ah, parang ganun?" Di rin sure na sagot niya.

"Ah, I see." Sagot ko.

Mayamaya pa ay nagsimula na ang klase pero hindi ko pa din nakita si Frey this morning kaya naman pagtapos ng unang subject namin ay agad akong lumapit kina Elfen at Czech.

"Guys? Pumasok ba si Frey?" Tanong ko kaagad sa kanila.

"Oo, pumasok siya. Kaya lang baka sa 3rd subject na siya pumasok." Sagot sakin ni Elfen.

"Ha? Bakit? Nasan ba siya?" Tanong ko.

"Tennis Club." Czech said.

Tennis Club?

"Excuse ba siya sa Professors natin ngayon?" Tanong ko ulit.

"Oo, excuse siya." Sagot ni Elfen.

Nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko pero natutuwa ako kasi pumasok siya.

"Bakit mo nga pala siya hinahanap?" Nagulat ako sa tanong ni Czech kaya napakamot ako bigla.

"Ah may sasabihin ako sa kanya about sa binigay ni Cynthia pero sa tingin ko, sa lunch break na lang since kumpleto tayong lahat at mahaba ang oras." Sagot ko naman. Pero on the other side of my mind ay gusto ko din talaga siyang makita.

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now