CHP. 2 "Strangers in the Past."

76 3 0
                                    

---

Lovely's POV~

Aaarrg! Di ako makapag-focus!

Pangatlong Professor na namin ang nagsasalita sa harapan, pangatlong subject na pero hindi pa din ako makapagpokus!

Hindi ko din alam kung titingin ba ako sa likod o ano? Kanina pa ako hindi makalingon sa likuran pero nakakaramdam ako na mapapansin niya ako kasi nandito ako pangalawa sa harapan tapos siya nasa pinakalikuran. Halatang-halata ako kung titingnan ko siya mula dito.

Hays, ano bang gagawin ko? Kanina pa ako kinakabahan! Bakit ba pakiramdam ko maraming mangyayari sakin ngayon sa college life ko. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko.

Mayamaya pa ay lumabas na ang Professor namin. Napaub-ob na lang ako bigla sa mesa. Ayoko munang tingnan ang mga tao sa paligid ko. Feeling ko namumutla ang mukha ko, kanina pa kasi ako kabado.

"Ano, Lovely? May problema ba?" Kalabit sakin ni Heyley kaya napaangat tuloy ako ng ulo. Nagulat na lang ako nung nakaupo si Matt sa kaharap na upuan samantalang si Mikhail ay nakatayo sa tabi niya at nakatingin sila saking tatlo.

Napatuwid ako ng upo at napakamot sa ulo at ngumiti sa kanila.

"Ano, hehe. Wa-Wala akong problema. Inaantok lang siguro..." Palusot ko.

"Bakit? Nagpuyat ka ba?" Tanong ni Mikhail.

"Uhm, medyo. Na-excite lang masyado." Palusot ko ulit.

"Ah ganun ba? Nga pala Lovely, naga-aya si Czech at sina Elfen at Frey na sabay-sabay daw tayong uuwi mamaya. Pwede ka ba? Baka kasi pumunta ka ulit sa Shop ng Papa mo eh kaya sinasabihan ka na namin." Sabi ni Matt kaya napalingon na ako ng tuluyan sa direksyon nila Czech. Naguusap silang tatlo, at nagkakatawanan.

He smiles....

"Lovely?" Nagising ako sa tawag ni Matt kaya agad akong tumingin sa kanila.

"Ah yeah, okay lang. Hindi na ako pupunta ng Shop ngayon kasi hindi na ako nagtatrabaho ulit sa Shop ni Papa. Kaya simula ngayon makakasabay niyo na talaga akong dalawa ni Miki." Sagot ko. Ngumiti naman silang dalawa at nag-apir ni Miki.

"Ano... uhm, okay lang ba na sumabay din sa inyo Lovely?" Singit bigla ni Heyley at nahihiya pa siyang tumingin kina Matt at Mikhail.

"Oo naman! Pwedeng-pwede. Nga pala nice meeting you. Matt Jonas Cerenzo is my name." Singit naman ni Matt saka nakipagkamay kay Heyley.

"Thanks. Heyley Shane Ibanez naman ang name ko. Nice to be friend with you." Nakangiting sagot naman sa kanya ni Heyley at nakipagkamay din.

"Ah.. H-Hello. Ano, nice meeting you Heyley, Mikhail June Cerenzo nga pala." Pakikipagkamay din ni Mikhail.

"Ah, hello nice meeting you too. Ano, magkapatid ba kayo ni Matt? You've got the same last name." Curious na tanong ni Heyley pero si Matt na ang sumagot.

"Yeah, kambal kami."

"Wow! Amazing! You guys so adorable. I'm happy to met you both." Heyley's complemented.

"Attention everyone!" Sigaw ng isang classmate naming babae sa harapan kaya naman nagsibalikan kami sa mga upuan namin.

"Our last Professor can't able to meet us today so, I'd decided to announce to all of you about the Class Representatives of each class to present us the representative of Freshmen Culinary Students that was headed in Culinary Arts Department." She announces.

Class Representative?

"Masaya ba dun?" I heard Mikhail says kaya napalingon ako sa kanya.

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now