CHP. 7 "Heyley's House."

41 2 0
                                    

—-

Lovely's POV~


Kinabukasan


"Hey, matagal pa ba kayo Miki? Lovely?" Katok samin ni Matt. Kasalukuyan kasi akong tinutulungan ni Mikhail ayusin yung mga papers kung saan nakalagay yung activity and events na binigay sakin nung head ng class representatives. Masyado din kasing marami kaya nilalagay na namin siya sa book binder.


"Oo malapit na. Mag-antay ka na pa." Sagot naman ni Miki.


Mayamaya pa ay natapos na kami i-compile yung mga papers at nilabas na namin si Matt.


"Bakit ba kayong mga babae ang bagal kumilos." Nakapameywang na sabi samin ni Matt pero siniko lang siya ni Mikhail.


"Hindi kami mabagal, nagmamadali a lang. Bakit ba kasi excited kang umalis?" Tanong ni Mikhail.


"Well, as you can see. Nag-text sakin sina Elfen at Czech na nasa University na daw sila kasama sina Frey, Chase at Cynthia. Mukhang tayo na lang kasi ang hinihintay." Seryosong sagot naman ni Matt.


"Ganun ba? Bakit parang ang aga naman ata nila?" Tanong ko.


"Hindi mo ba alam kung ilang oras ang biyahe papunta kina Heyely? Sa pagkakaalam ko nga eh susunduin niya tayo ngayon sakay ng van nila." Sagot ni Matt.


"Teka? Van? Ganun ba kalayo sa kanila?" Tanong ko.


"I don't think so Loveley, siguro kaya Van kasi marami tayo." Sagot naman sakin ni Mikhail.


"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" Yaya ni Matt at nauna na siyang maglakad.


Pagdating namin sa University.


"Hey! Nandito na sila!" Kaway samin ni Chase.


"Mabuti naman at dumating na kayo, sakto kaka-text lang ni Heyley na malapit na daw siya sa University." Bungad samin ni Elfen.


"Mabuti naman at hindi kami gaanong na-late." Sagot naman ni Matt.


Napatingin ako sa nakasandal sa pader na si Frey habang may binabasa siyang book.


That 'walang pakialam' attitude of him is starting again.


"Mukhang dinala mo lahat ng paperworks Lovely, hindi ba mabigat?" Cynthia asked.


"Ah hindi kaya ko naman, saka ang sabi kasi sakin ni Frey ay kaya tayo pupunta kina Heyley para pag-usapan lahat ng task na ibinigay satin right?" Nakangiting sabi ko.


"Okay lang ba na ako na ang magdala Lovely?" Biglang singit samin ni Czech habang nakalahad ang kamay niya.

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now