CHP. 14 "Camp Activity."

33 2 0
                                    

—-

Lovely's POV

"Kinakabahan ako." Bulong ko sa sarili ko.

Nandito na kami sa lugar kung saan gaganapin ang activity. Blue Team kami kaya nakasuot kami ng Blue T-Shirts. Marami kaming kalaban at ang iba sa kanila ay Blue-Violet Team Etc. Nakabilog lang kami dito habang hinahanda ang mga gamit namin at bags namin.

"Mukhang ang unang activity natin madali lang." Mikhail said saka siya tumabi sakin at tumingin sa ibang teams.

"Eh? Miki?" Eh diba parang kahapon wala siya sa mood dahil sa pagpapakita ni Carter kahapon sa school?

Nagulat ako nung bigla siyang napabuntong-hininga.

"Ah Miki, about kay Carter sorry..." I said.

"No, Lovely. It's okay, alam ko naman na katulad ko ayaw mo din magulo ang buhay mo kaya siguro umiiwas ka din kay Carter." She said.

"Ah hindi naman sa umiiwas ako Miki, nung friday kasi ay hindi pa ako handang harapin si Carter." I truly said.

"Ha? What do you mean?" Takang tanong sakin ni Miki.

Napakamot naman ako at pilit-ngiting tiningnan siya "It's true that he causes me trouble, but when we were in high school I also caused him a troubled. A big one." Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Really? Anong-"

"Miki! Lovely! Magsisimula na! Let's go!" Narinig namin tawag samin ni Heyley. Napayuko si Miki kaya naman tinapik ko siya.

"Don't worry Miki, ikukwento ko din sayo after this. Sa ngayon magpokus muna tayo sa activity. Kailangan natin manalo." I said. She nodded at tumayo na.

Lumapit na kami sa starting line kung saan marami ding groups ang naka-line at may kanya-kanya ding color coding ng team. Sa ngayon wala pa naman akong nakikitang kakilala mula sa ibang teams. Ayos!

"Hey, Lovely." Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Frey at may inabot sakin na mapa.

"Tayong dalawa ang dapat mag-lead sa team mate natin kaya kabisaduhin mo na yung mapa at ang guides." He said.

"Okay, got it."

"And... Don't be afraid to asked me." Dugtong niya saka niya pinatong ang kamay niya sa ulo ko. "Let's do our best."

Dug Dug Dug.

B-Bakit ako kinakabahan? Bakit pakiramdam ko may nararamdaman akong kakaiba? Ganito din ang naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakausap sa shop. Yung pakiramdam na kinakabahan ako, nae-excite ako, masaya sa pakiramdam na para bang wala na akong hihilingin pa kundi sana hindi na matapos pa ang ganitong pakiramdam na sa kanya ko lang naman nararanasan.

I nodded. "Thanks, Frey."

Makalipas ang ilang minutong paghahanda ay nagsimula na ang unang activity.

"Ang unang activity ay mahanap niyo ang tents niyo bago pa maggabi. Kailangan sundan niyo ang nakalagay sa mapa. May dadaanan din kayong possible ways kung saan may makukuha kayo o di naman kaya ay may trials muna kayong lalagpasan bago makarating sa unang activity. It has no time limits, first 5 na team mates lang ang may additional 3 points ang unang makakarating sa tent. Okay participants! Good Luck! " Sabi ng isa sa mga organizer nung event.

Mayamaya pa ay nagsimula na kami at naglakad at sinundan nga namin ang nakalagay sa mapa. Sa paglalakad namin ay tumitingin-tingin lang kami sa paligid at alerto. Hanggang sa nakarating kami sa isang daan papasok ng gubat. Nauna ang mga boys maglakad samin kaya naman sumunod na din kami. Nang makapasok na kami sa gubat ay napansin ko na biglang napakapit sakin si Heyley.

Caramel MacchiatoWhere stories live. Discover now