CHP. 6 "Confirmation."

49 3 0
                                    

---

Lovely's POV~

Kinabukasan.

Kasabay kong pumasok sina Matt at Mikhail sa classroom nang maabutan namin na nakabilog at parang may pinaguusapan sina Cynthia, Elfen, Heyley, at Chase. 

"Hey guys! Anong meron at parang may pinag-uusapan kayong importante?" Mabilis na lumapit si Matt sa kanila at tinanong.

Pumunta din kami ni Mikhail sa direksyon nila at tumabi sa kanila.

"Buti naman at dumating na kayo, pinag-uusapan kasi namin yung about sa room na gagamitin natin ngayon. Merong 3 availabble rooms ngayon na pwede nating gamitin." Sagot naman ni Cynthia.

"Room? Para saan?" Takang tanong ko.

"Room para satin. Para sa gagamitin ng Class Representatives." Sagot naman ni Chase.

"Parang head quarters?" Tanong ni Mikhail.

"Uhm, more like that." Sagot naman ni Cynthia.

"Ow, I see. Pero t-teka, bakit wala sina Frey at Czech? Si Frey dapat ang kasama ko para gumawa ng proposal letter diba?" Biglang tanong ko. Napansin ko kasi na silang dalawa lang ang kulang dito.

"Nandito na sila kanina eh, bumaba siguro sa canteen saglit." Sagot naman ni Elfen.

Silang dalawa? Ulit?

"Ganun ba? Sige, pupuntahan ko sila saglit sa canteen. May sasabihin lang ako kay Frey saka io-open up ko na din sa kanya ang about dito." Sabi ko saka na ako tumayo at lumabas.

Habang nilalakad ko ang hallway papuntang canteen ay naiisip ko ang sinabi sakin ni Czech kagabi. Alam ko na wala akong dapat isipin na kung ano about sa kanila, pero kaya ba ako nagkakaganito ay dahil kilala ko si Czech pero si Frey hindi? Halo-halo ang nasa isipan ko. Gusto ko talaga siyang makilala.

I need a confirmation.

Narating ko na ang canteen at agad silang hinanap. Nakita ko sila malapit sa Coffee stand nakaupo habang may pinaguusapan. Nakita ko na umiinom ng Frapuccino si Czech at ganun din si Frey.

Frapuccino? Hindi ba Caramel Macchiato ang gusto niya? Bakit pareho sila ng... Don't tell me!

"Ano, excuse me." Napansin ko na lang na nakatayo na pala ako sa gilid nila. Sabay silang napatingin sakin.

"Oh, dumating ka na pala Lovely, wanna join us?" Ngiting yaya sakin ni Czech.

"Ah, ano. Actually, may sasabihin ako kay Frey okay lang ba Czech?" Paalam ko. Nagtataka man ang tingin, he nodded.

"I see. Sige, kita na lang sa classroom guys." Czech says sabay tapik sa braso ni Frey, then Frey just nodded on him.

Nang makaalis na si Czech ay umupo ako sa kaharap na upuan. I looked at him and he did also looked at me. Napalunok ako ng laway sa kaba.

Hindi ko alam kung paano ba ako magsisimula mag-open ng topic or what. Napakadami ko kasing gustong tanungin sa kanya sa totoo lang.

"May sasabihin ka?" He asked. I immediately looked on his cup then sighed.

"About sa class representatives. Since, tayong dalawa ang representatives and the rest members are just organizers and event makers we should be the one to start it in ourselves." Panimula ko.

"Okay then, when we should start?" He asked so plainly.

"You? Why not think and make a plan for us." I answer him so plainly. 

Why is he always has this serious, bored look and plain approach? So cold and unpredictable. 

He smirked at me saka inubos yung Frapuccino.

Caramel MacchiatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon