Chapter 11

195 9 68
                                    

CHAPTER 11: Colors

PINAGMAMASDAN KO siya habang nakatalikod at nagluluto. He has this air in the kitchen as if he was a master of all. Kalkulado ang bawat galaw niya and I notice it very fluid. Mangha-mangha ako, kaya nasa kanya lamang ang tingin ko ilang minuto pagkatapos niya akong pasunurin patungo rito sa kusina.

My cheeks heated at the sight of his bareback.

Napakagat labi ako. His muscles are all in the right places. Medyo tamad na kumakapit ang pantalon niya sa bewang kaya nakikita ko ang dalawa na parang dimple sa ibabang bahagi ng kanyang likod. Pati na rin ang Calvin Klein niyang... Biglang nanlaki ang mga mata ko sa pag-galaw niya.

He looked at me over his shoulder and I almost panic. Napatikhim ako at pinilit na umayos ng upo. Taas noo ko agad siyang sinulyapan na parang walang nangyari at saka tinaasan ng kilay. Ramdam ko ang pagguho ng sarili sa hiya. Ngumuso naman siya sa'kin bago tumingin muli sa ginagawa.

It was as if I started to breathe easy when he eventually tore off his gaze. Kinailangan ko pa ng napakaraming paghugot ng hininga at palihim na pagsampal sa sarili para lang matauhan. Just to fully drag my gaze away, I decided to stood up hastily from the bar stool and went upstairs to recollect. I mean, to find some unisex shirt. But of course to escape too. Thankfully, may nakita akong gano'n sa mga damit ko, kaya may pang-alibi ako pagbaba pagkatapos. Pawisan na rin kasi siya at parang walang dala na pangpalit.

Nang bumalik ako ay nilapag ko ang dala sa island counter, katabi ko, saka umupo muli ng kalmado. Pansin ko ang pag-lingon niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Where have you been?" he asked in a deep voice.

I cleared my throat when I heard him asked. I'm already expecting it, kaya nang tumingin ako sa kanya ay diretso agad ako sagot. "Uhm. Upstairs. K-kumuha ng damit mo."

Lumipat ang tingin niya sa tabi ko at kalaunan tumango. After that, hindi na siya nagtanong. I release a sigh. Tumuon na siya sa niluluto. Hindi pa siya tapos at sa isiping baka matulala na naman ako sa mga galaw niya ay napilitan na lang akong abutin ang cellphone at doon ituon ang atensyon. I know how I swear to heavens to not use it, but I really don't want myself to drool over his body. Uminit ulit ang pisngi ko sa inamin. That's damn absurd and embarrassing, I know.

Pagbukas ko pa lang ng Instagram ay may nakita na agad akong message notification. When I clicked on its icon, doon ko nakita ang tambak na messages ng mga kasamahan ko sa industriya at sa sports. But what caught my attention were Veronica and Zach's, telling me they are already here at Cam Sur and asking me if I can go. Tumaas ang kilay ko at ni-click naman ang punong stories ni Zach.

I nibble my lower lip seeing them enjoying. I swipe and saw another picture of them until it was only Zach, shirtless, while holding a can of beer and smiling boyishly at the camera. I-next ko pa sana iyon pero natigil ako dahil sa biglaang pagsalita ng kasama ko sa bahay.

"Is that the Zach you're telling?"

Napa-angat ako ng tingin at medyo hindi inaasahan 'yon. My lips parted when I noticed Cael already on my side and wearing the shirt I chose. He leaned and my breathing hitched. Kumalabog ang dibdib ko. I felt heat rush through my cheeks at our distance. His right hand was placed at the counter, next to my side, and he was gazing at my cellphone's screen.

Napakagat labi ako dahil dahil doon at napansin ko na sumakto rin sa kanya ang puting shirt ko. Realizing him asked and me mentioning Zach to him before, I was about to nod and say something but I caught his smirk. Kumunot ang noo ko kasi para bang nangiinsulto at nangyayabang 'yon.

"He looked like a kid to me. Wala pa ata 'yan na SSS, PAG-IBIG at PhilHealth," aniya at tumingin sa'kin.

Napaawang ang labi ko. "W-what?"

Lullaby For The Ashes (Del Gallego Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon