Chapter 3

271 9 103
                                    

It's been a while, guys. How y'all doin'? I hope every one of you is safe and sound. Thank you for being with me on every page. I am not everyone's favorite writer but thank you to those who appreciate me.❤️

CHAPTER 3: Hard time

"MAG DAHAN-DAHAN ka nga!" bulyaw ko sa kasambahay na nag-lilinis ng sugat ko.

Agad itong napatalon dahil sa pagkabigla.

"P-paumanhin po, Senyorita," aniya saka nanginginig na sinunod ang utos kong iyon.

I glared at her for that nonsense sorry. Naiinis kong inikot ang mga mata na lamang sa ere at suminghap. Kulang na lang ay sabunutan ko siya at ang isa pang kasama niya na nasa harapan ko rin, hawak ang ilang gamot. Ang mga mata nga lang ng panghuli ay nakapirmi sa sahig. Takot panigurado na makita ang pag-pukol ko rin sa kanya ng masamang tingin.

Lalo pa na ang dahilan ng pangit na araw ko ay ang mga nangyare kanina.

Bigla akong napatiim bagang at ibinagsak ang likod sa couch pagkatapos malinisan ang sugat at ngayon naman ay lalagyan na ng kung ano-anong nakakairitang gamot at medical fabric. Recklessly crossing my legs, I instantly felt searing pain on my wound. Kaya napangiwi ako. Mabilis naman na naalerto ang dalawang kasambahay sa nakita.

"Senyorita, huwag po muna kayong—"

I cut her words with a warning glare, that's why she instantly shut her lips and avert her scared gaze off me. Hindi ko siya nilubayan no'n hanggang sa lumapit na lamang ito dahil wala ng magawa pa sa inaasta ko.

Tiis na tiis ko ang kaunting hapdi, dahil ayaw kong isipin nila na tama sila at mali ang punto ko. Never will I put myself down for someone else. Not even for all the tea in China. Kaya taas ang kilay habang nakaganong pwesto pa rin ako sa inuupuan at parang walang pakialam sa kanila. Ang isang kasambahay naman ay ginagawa na ang trabaho niya. Ignoring their presence, I grab the magazine and carelessly flipped through its pages hoping to at least read something to my liking.

While doing it, I realized that there's nothing more entertaining than catching a glimpse of the maid right now.

Napa-ismir ako nang maramdaman na namomroblema siya sa pag-gamot.

Buti nga!

Kaya medyo nakangiti ako habang nasa harap ang binabasa. Nevertheless, little by little, my smile fades as I was trying to focus on the magazine and chose to pass over everything, I have noticed an uneasiness that all of a sudden felt. So I shifted my weight slightly, unbeknown to the maid's pitiful situation and crumpled face.

Hanggang napansin ko na kalaunan na halos matapos na ang panggagamot niya ay nasa parehong pahina pa lang ako ng binabasa. I was stuck there for how many minutes long, I think? Kaya kumunot bigla ang noo ko dahil ngayon lang iyon pumasok sa aking isipan at maka-ilang ulit ko na atang binalikan iyong linya pero hindi parin ako makaalis. My lips thinned and it was as if I'm sitting so overwrought now.

Naramdaman kong medyo naiilang ako at parang... naririto pa rin iyong hiya. Iyong para sa nangyare kanina. I tried to pull it off my head when I remember and tried to drag myself back to reading. But guess what? Paulit-ulit din na bumalik sa'kin iyong nangyare!

I can feel the heat rising on my face at a quick pace.

The way I slipped. The feeling of my butt bounced at the floor. The embarrassment I had when I heard those words from the maid. Then the amused gaze of that man while seeing me there—almost at my funniest situation! Mas lalong namula ang pisngi ko at napatikhim. Agad akong napalingon sa kasambahay na tumingin din sa'kin. Para hindi mahalata, tinaas ko ang kilay sa kanya, nanghahamon, dahilan para bumagsak muli ang mga mata niya sa ginagawa, iwas na iwas.

Lullaby For The Ashes (Del Gallego Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon