KABANATA 13

36.1K 1.1K 321
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 13:

MARY'S POV

Napansin yata ni Lucien ang biglaan kong pagkapit sa malaki at maskulad niyang braso dahil ramdam kong napatingin siya sa akin at alam ko rin na nakarehistro ang pagtataka sa gwapo niyang mukha. Marahil ay nagtataka siya kung bakit bigla akong napahawak sa kanya. At sa bawat hakbang naman nitong si Hideo palapit sa amin ay siyang tambol nitong puso ko dahil sa labis na kaba.

"Do you know him?" tanong ni Lucien sa akin sa pabulong lang na boses. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit ko kay Lucien bago ako tumingin sa gawi niya. Nakakunot ang kanyang noo at halatang nagtataka kung bakit ganito ang reaksyon ko. Dahan-dahan naman akong napatango sa kanya bilang sagot. Kinakabahan pa naman ako sa tuwing nasa paligid ko ang bwisit na Hideo na iyon. Pakiramdam ko ay parang sinusundo na ako ni kamatayan.

"Mary? What are you doing here? Akala ko ba na-grounded ka ni Mrs. Hayashi ng two weeks?" tanong ni Hideo nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Magkasalubong naman ang dalawa niyang kilay at tumingin pa siya dito kay Lucien. Bakit ba kahit saan ako magpunta ay naroon din ang bwisit na lalaking ito? Isa na nga siyang epal sa buhay ko, sinisira pa niya palagi ang mga araw ko! Siguro isa talaga siyang aso, nagkatawan nga lang na maging isang tao. Ang lakas talaga ng pang-amoy niya jusko!

"Let's go, baka naghihintay na sila Lucius sa atin," tanging nasabi ko kay Lucien imbes na sagutin ang katanungan nitong si Hideo kung bakit ako narito. Akma na sana kaming maglalakad ni Lucien nang humarang si Hideo para pigilan kaming makaalis. This time ay nakataas na ang isa niyang kilay sa amin. Bigla siyang natawa at nakangising tumingin sa akin.

"Kaya pala ayaw mong magpaligaw sa akin? Dahil ba ayaw mong sumunod sa mga sasabihin ni Mrs. Hayashi dahil may lalaki ka na pala?" tanong niya habang hindi mawala-wala ang nakakainis niyang ngisi.

"Oh, I remember you!" bulalas bigla ni Lucien at literal pa niyang tinuro si Hideo. Napatingin naman ako kay Lucien na nakangiti lang, "Ikaw yung mukhang asong humahabol dito kay Mary kaya siya nasagasahan at kamuntikang pang mamatay," aniya.

Napalunok na lang ako bigla. Bakit parang bigla yata akong nakadama ng kakaiba dito kay Lucien kahit na nakangiti siya? Matamis nga siyang nakangiti, pero matalim naman ang mga mata niyang nakatingin kay Hideo. At saka kilala niya si Hideo? Oh crap! Oo nga pala, nakita yata nila si Hideo na hinahabol ako nung mabangga ako ni Lician pero buti na lang hindi pa ako binawian ng buhay. Tinanggal ni Lucien ang kamay kong nakakapit sa braso niya at mabilis naman niyang hinapit ang beywang ko papalapit sa maskulado niyang pangangatawan.

"Tama, ikaw nga si Hideo. Naikuwento sa amin ni Lician yung tungkol sayo at ikaw rin yung gagong asong ulol na nanggugulo kay Mary," dagdag pa ni Lucien sabay tawa kaya nagtaka ako.

Naikuwento ni Lician sa kanila si Hideo? Napaisip pa ako kung paano nakilala ni Lician ang tukmol na Hideo na ito pero naalala ko nga palang nagkuwento ako kay Lician nung araw na nasa ospital kami. Marahil ay nabanggit rin niya sa mga kakambal niya yung mga naikuwento ko sa kanya that time.

"Boyfriend mo na ba ang lalaking ito, Mary? That's why you don't let me courting you because of this guy?" may inis sa boses ni Hideo nang itanong niya iyon at pinukula pa niya ng masamang tingin si Lucien. Ramdam ko namang humigpit ang pagkakapulupot ng matigas na braso ni Lucien sa akin. Animo'y parang gusto na niya akong isiksik o itago sa loob ng damit niya. Samantalang ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko rito.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon