KABANATA 40

32.6K 965 215
                                    

This chapter is dedicated to: ksnzjzzjjzksk

KABANATA 40:

MARY'S POV

Tanging mga huni lang ng ibon ang naririnig ko sa aking paligid pati na rin ang hampas nung mga dahon sa mga puno na tila yata nagsasayawan pa. Humahampas rin sa balat ko ang malakas na hangin habang tahimik kong tinitignan ang lapida ng tunay kong ina.

Pinilit ko si Dad na sabihin sa akin kung saan naka-libing ang tunay kong ina. Hindi naman sa akin ipinagdamot ni Dad iyon at sinabi rin niya sakin kung saang sementeryo nakalibing ang ina kong si Eleanor.

Sasamahan pa sana nila akong dalawa ni Tito Shawn pero hindi ako pumayag. Saglit lang naman ako at gusto ko lang naman makita ang lapida ng ina ko. At heto nga, harap-harapan ko nang nakikita kung saan siya nakalibing. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang patay na siya.

Parang kailan lang nung inaakala kong si Mommy Beatrice ang mommy ko, pero hindi pala talaga siya ang tunay kong ina. Nakikita ko naman na nagsasabi ng totoo sila Daddy at Tito Shawn sa akin. Ibinunyag na nila sa akin ang tunay kong pagkatao.

Huminga ako nang malalim bago ko muling binasa ang nasa lapida, 'Eleanor Alonzo', nakasulat rin doon ang kanyang birthday at kung kailan siya namatay habang may picture din siya roon. Pagak pa akong natawa nang malaman kong isang buwan palang ako nung nawala siya sa mundong ito.

At aaminin ko, kamukha ko si mommy Eleanor. Malaki ang pagkakahawig naming dalawa lalo na sa features ng mukha namin. We have the same eyes and nose especially our smiles.

Now I can feel and taste how bitter and cruel the world really is to me. There are many liars around me. Marami ding lihim ang nakatago at dapat nang mabunyag tulad na lamang na iba pala ang ina ko. Ngayon ay naniniwala na talaga ako na magulo ang buhay ko. Napakagulo, napakapait at lalong napakalupit sa akin ng mundo.

Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko. Wala ba man lang time out? Hindi ba pwedeng araw-araw na lang akong masaya? Pwede bang maranasan ko man lang ang tahimik na buhay? Nabuhay nga lang yata talaga ako para maranasan ang lahat-lahat ng ito. Nagkamuang ako na masyadong komplikado ang buhay ko.

Nabanggit sa akin ni Dad kanina bago ako umalis na katabi ni Mommy Eleanor ang puntod ng ina niya which is ang lola ko. Nabaling ang tingin ko sa lapidang iyon, Cora Alonzo ang kanyang pangalan at tulad ng kay mommy Eleanor, may picture din siyang nakadikit roon sa lapida niya ngunit ang pinagkaibahan nga lang ay black and white ang litrato niya.

Ayon pa kay Dad, namatay sa sakit na brain cancer ang ina ni mommy Eleanor. Wala na rin daw balita sila Daddy dun kay Don Isandro at hindi na rin daw nila alam kung dumadalaw pa ba ito dito sa puntod ng mag-ina niya. Well, nasa Spain na kasi si Don Isandro kaya siguro matagal-tagal na siyang hindi nakakadalaw rito.

Humugot ako nang malalim na hininga bago ako naupo sa damuhan. Inilapag ko lang din ang hawak-hawak kong dalawang bulaklak sa lapida nilang dalawa at sinindihan ko rin ang binili kong kandila kanina sa tindahan.

"If you really are my mother, I just want to say thank you for giving birth to me even though this world oppresses me," panimula kong sabi habang nakatingin sa puntod ni Mommy Eleanor.

Napasinghap naman ako at bahagyang nagulat nang biglang humangin ng malakas, naramdaman ko rin ang pagtama ng malamig na hangin sa balat ko. Kinilabutan pa ako dahil roon lalo pa't ako lang ang tao dito sa sementeryo pero hindi ako nagpadala sa takot ko. Bagkus ay napangiti lang ako nang mapait.

"Sabi po kasi ng Daddy ko, kayo daw po ang mommy ko. Kaya po ako nagpunta dito kasi nalaman ko na po kung sino kayo pati na rin ang pinagdaanan niyo noon." tila parang bata kong sabi habang lumuluhang nakatingin sa lapida ni Mommy Eleanor.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon