KABANATA 68

30.9K 948 361
                                    

This chapter is dedicated to: yenyen_555

KABANATA 68:

MARY'S POV

Sinabi nila Tita Harmony sa akin na pupunta kami sa Stelliferous para manatili muna kami sa lugar na yun kahit mga ilang araw lang at para na rin daw makalimot kami sa mga nangyayari sa amin dito sa Pilipinas lalo na daw ako. Sinabi niyang kailangan ko daw ng kaonting bakasyon para makalimutan ko ang mga nangyari sa akin lalo na yung pag-kidnap ni Leighton at ang kamuntikan na niya akong patayin.

Syempre gusto ko rin ang ideya na yun at first time ko pang makakapunta sa Stelliferous na sila mismong mga Hellion ang nagmamay-ari. Kaya naman nang sabihin ni Tita Harmony sa akin ang tungkol doon ay agad niya akong inutusan na mag-impake na nang mga dadalhin kong mga gamit na agad ko rin namang ginawa.

Nag-impake ako agad dahil sa excited kong magpunta sa lugar na yun. Ano kayang itsura nung Stelliferous? Nasasabik na akong makita ang lugar na yun at the same time ay kinakabahan ako. Eroplano daw kasi ang gagamitin naming sasakyan para makarating doon at jusko! Ito ang kauna-unahang beses na makakasakay ako sa eroplano kaya talagang kinakabahan ako.

"My little kitten,"

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Lucien sa akin dahil abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko at syempre hindi ko talaga siya papansinin dahil naiinis ako. Naiinis ako sa kanya at pati na rin dun sa bwisit na Dr. Margot na yun! Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ang bagay na yun at talagang sa loob pa ng mental hospital!

Oo, hindi sila naghalikan at mas lalong wala sa sariling katinuan si Lucien that time pero naiinis pa din ako. Sa sobrang inis ko ay parang gusto kong ingudngod si Dr. Margot sa inidoro dahil sa pagiging haliparot niya!

Wala na nga kaming problema dahil nagpapagaling na si Leighton at hindi na niya kami magagawang saktan, pero dumating naman yung bwisit na Dr. Margot na yun! May pahampas pang nalalaman kay Tita Harmony na animo'y feeling close. Jusko!

"Mon amour? Hey, kausapin mo naman kami." rinig kong pakikiusap ni Lucius sa akin.

"Just pack your things, we will leave anytime. Baka naghihintay na rin sila Tita Harmony sa atin sa ibaba." tanging nasabi ko sa kanila na hindi tumitingin sa kanila.

Ang buo kong atensyon ay nasa pag-iimpake ng mga gamit ko. At saka, ewan ko ba. Parang gusto kong mag-inarte ngayon sa kanila. Yung tipong kunwari nagtatampo ako sa kanila. Wala rin naman akong magagawa, matagal nang nangyari yun at nasarapan na yung haliparot na Dr. Margot na yun.

"Damn you, Lucien! Bakit ba kasi nagpa-bj ka sa doktora na yun?!" anas ni Lician at medyo tumaas ang boses niya dahilan para mapatingin na ako sa kanilang apat.

"Matagal na kaya yun! Ilang taon na ang nakakalipas at wala rin ako sa sarili nung araw na yun. Sinamantalahan niya kaya yung kahinaan ko! Biruin mo, bigla niya akong sinunggaban habang nakatali ang dalawa kong kamay." paliwanag ni Lucien at halatang naiinis siya.

"What?" di-makapaniwala kong tanong kaya nabaling ang atensyon nila sa akin.

"Actually, I saw what Dr. Margot did that day," pagsabat ni Lyrius kaya napunta ang tingin namin sa kanya, "Magkasama kasi kami ni Lucien sa kwarto nung pina-rehab kami nila Mom sa mental hospital. At tama si Lucien, nakatali ang dalawa niyang kamay at sa tingin ko ay sinamantala ni Dr. Margot yung kahinaan nitong kakambal namin," pagkukwento niya.

Dahil sa sinabi niya kaya mas lalo akong hindi makapaniwala. Speechless ako sa mga narinig ko. Aba't! Hindi lang pala haliparot ang doktora na yun! Mapag-samantala rin pala siya! Shit! May sakit sila nung araw na yun, nakatali pa ang dalawang kamay ni Lucien dahil ginagawa yun para hindi sila makatakas at hindi makapanakit kaya talagang masasabi ko na may pananamantala ngang nangyari.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon