KABANATA 28

33.5K 1K 322
                                    

This chapter is dedicated to: abigailbanguilan

KABANATA 28:

MARY'S POV

Natapos kaming kumain ng hapunan na puro bukambibig lang nang Hellion Quadruplets ang pangalan ko. Marami-rami din silang tinanong kay Dad tungkol sa akin, no choice naman ang Daddy ko kundi sagutin ang mga katanungan nila. Buti na lang talaga hindi pa nakakahalata sila Lucius sa akin.

Tumambay pa ang iba sa sala lalo na sila Dad para magkwentuhan habang sila Tita Harmony at Tito Shawn naman ay agad akong hinatid sa kwartong pagtutulugan ko ngayong gabi.

"Yung mga habilin namin sayo ah? Huwag mong kakalimutan yun," muling paalala ni Tita Harmony sa akin.

"Opo, hindi ko po nakakalimutan yun." sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sa akin si Tita Harmony at marahan pa niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Alam ko na nahihirapan ka sa pagdi-disguise. Gusto lang kita na ilayo sa kapahamakan, iha." aniya. Ngumiti rin ako sa kanya.

Alam ko naman iyon. Maswerte pa nga ako dahil may isang kagaya nila Tita Harmony na nag-aalala para sa kaligtasan ko. Ayaw nila akong malagay sa peligro, natatakot lang din sila na may masamang mangyari sa akin.

"Sige, pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na. Don't forget to lock the door. Gumising ka rin nang maaga dahil madaling araw palang aalis na tayo agad at para maayusan din kita." sambit ni Tito Shawn.

Tumango lang ako at nag-good night na sa kanilang dalawa. Pumasok naman ako agad sa loob ng kwarto matapos ko silang halikan sa pisngi at sinigurado ko ding naka-lock ang pinto para walang makapasok lalo na yung apat.

Well, sino bang magkakaroon ng interes na pasukin ang kwartong ito lalo na kung isang pangit ang nasa loob ng kwartong ito? For sure walang pakialam sa akin yung Quadruplets dahil naka-disguise ako bilang pangit kaya hindi nila ako pag-iinteresan.

Inikot ko naman ang buo kong tingin sa kwarto. Sakto lang ang laki nitong kwarto, may kama na magkakasya ang dalawang katao at may banyo. Naroon na rin yung maleta ko kaya binuksan ko yun para kumuha ng pantulog na damit.

Nagpalit lang ako ng damit pantulog sa loob ng banyo dahil masyado na akong naiinitan sa suot kong damit. Balot na balot pa naman ako, naka-jogging pants na nga naka-jacket pa. Kaya siguro nawi-weirduhan sa akin si Tito Letifer kanina.

Hindi ko na rin tinanggal ang mga disguise ko sa katawan lalo na yung sa make-up at wig ko dahil iyon ang utos sa akin nila Tito Shawn.

Nahiga agad ako sa kama bago ako napabuntong-hininga habang nakatitig ako sa kawalan. Iniisip ko pa rin yung mga nalaman ko tungkol kina Lucius lalong-lalo na yung pagkakaroon nila ng sakit na OCD.

Naaawa ako sa apat dahil may sakit silang ganun, pero hindi ko rin maiwasang maawa sa sinapit ni Amara. Alam ko na hindi biro ang mga pinagdaanan niya sa kamay nung Hellion Quadruplets. Na-obsessed sa kanya ang apat na anak nila Tita Harmony.

She ended her life at a young age para hindi na siya maghirap sa mga naranasan niya sa kamay ng Quadruplets. Napakabata pa niya para mawala sa mundong ito. Napakapait rin ng mga pinagdaanan niya at hindi ko rin ma-imagine kung gaano kasakit sa pamilya niya ang mawala siya.

Malalim ulit akong bumuntong-hininga at pakiramdam ko ay pasan ko na rin ang mabigat na problema sa mundong ito. Wala naman sigurong problema kung susunod ako sa mga paalala at bilin nila Tita Harmony.

Ginagawa nila ito para sa kapakanan ko at para na rin kina Lucius kaya dapat lang akong sumunod sa kanila para hindi ako ang maging dahilan para lumala lalo ang sitwasyon.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon