KABANATA 65

26.2K 879 314
                                    

This chapter is dedicated to: qyza_sy

KABANATA 65:

MARY'S POV

Gusto ko pang mabuhay, iyon ang tinatak ko sa isipan ko sa mga sandaling ito. Gusto ko pang mabuhay at maging masaya, marami pa akong pangarap sa buhay na gusto ko pang marating at mangyari. Gusto ko pang makita sila Daddy at sila Lucius, at mas lalong gusto ko pa silang makasama.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit hindi ko na alam kung saan na nga ba ako napadpad. Binalewala ko na rin ang hingal at pagod ko basta matakasan ko lang si Leighton na alam kong nakasunod lang sa akin.

Nasaan na ba kasi ako? Bakit hindi ko mahanap yung kalsada para makahingi ako ng saklolo? Nandito pa rin ako sa gitna nang masukal na kagubatan, puro nagtataasang mga puno lang din ang nakikita ko. Mabuti na nga lang ay may buwan at ito lang ang nagbibigay ng liwanag sa akin para makita ko ang dinaraanan ko.

"Mary! You cannot escape from me! Maliligaw ka lang kaya magpakita ka na sa akin!" rinig kong sigaw ni Leighton sabay halakhak na parang demonyo at naghatid naman sa akin iyon ng matinding kilabot.

Hindi naman ako tumigil at mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para matakasan ko ang baliw na demonyong yun! Alam kong wala sa sariling katinuan si Leighton, dahil sa sakit niya kaya niya ito nagagawa pero delikado pa rin ang buhay ko sa kanya kaya dapat ko siyang takasan at makalayo sa kanya. 

Binalewala ko rin ang pag-ihip ng malamig na hangin at ang naririnig kong mga kuliglig sa aking paligid. Hindi ko na rin alam kung saan na ako patungo, basta na lang ding kusang gumagalaw ang dalawa kong paa na animo'y may sarili itong pag-iisip at nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Dahil kapag tumigil ako, paniguradong maaabutan ako ni Leighton.

"Mary! Show yourself, honey. Hindi naman kita sasaktan eh!" muli kong narinig mula kay Leighton at pakiramdam ko ay malapit na siya sa akin.

Para rin akong tinurukan ng adrenaline sa aking katawan dahil kahit napapagod na ako sa kakatakbo ay hindi pa rin ako huminto. Wala na rin akong pakialam kung ano-ano na ang mga natatapakan ko.

Kamuntikan pa akong mapatili nang bigla na lamang akong mapatid sa ugat ng puno dahilan para mapasalampak at masubsob ako sa lupa. Napaigik pa ako sa sakit nang magasgasan yung dalawa kong tuhod.

Bwisit! Bakit bigla na lang kasing naging horror itong buhay ko? Nung una, madrama ngayon naman may pa-horror pa? Tangina, ano bang gustong gawin ng tadhana sa akin?

Pinilit ko ang sarili ko na tumayo kahit na nagasgasan ang tuhod ko dahil sa pagbagsak ko kanina pero mabilis naman akong napaupo ulit dahil sa isang putok ng baril.

Umalingawngaw pa sa buong kagubatan ang malakas nitong putok. Nilingon ko kung sino ang may kagagawan nun at nakita ko si Leighton na ang creepy ng pagkakangisi niya sa akin habang nakatingin sa akin. Hawak-hawak rin niya ang isang baril at nakatutok na ito banda sa gawi ko.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa takot. Ibang usapan na 'to, hindi ko alam na may baril siya at muntikan pa akong tamaan ng bala. Buti na lang ay dumaplis lang ito sa punong nasa gilid ko lang.

Baliw na nga siya, ang tanga pa niyang bumaril. Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon ay baka humagalakpak na ako ng tawa dahil sa katangahan niya.

"I can see you, Mary. Gusto mo bang maligo sa sarili mong dugo para matawag kitang Bloody Mary?" wika niya sa akin sabay halakhak ulit.

"Oh really? Then go to hell. idiot!" asik ko at bago pa niya ulit ako mabaril ay nakatayo na ako at saka ako kumaripas ulit ng takbo. 

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon