KABANATA 37

35.6K 1K 318
                                    

This chapter is dedicated to: SINGLE-KA

KABANATA 37:

MARY'S POV

Nagising ako kinabukasan nang may nakadantay na malaki at mabigat na braso sa beywang ko. Kamuntikan na rin akong mapatayo sa matinding kaba at gulat nang makita kong katabi kong natutulog si Lucius at si Lyrius dito sa iisang kama. Akala ko kung sino na ang mga katabi ko, silang dalawa lang pala.

Chineck ko naman ang orasan kung anong oras na. Laglag ang panga ko nang makita kong alas-onse na na. Jusko! Tinanghali na ako nang gising? Sobra ba akong nasarapan sa pagtulog ko o sadyang napagod lang ako sa ginawa namin ni Lucius kagabi? Fifteen minutes na lang ang natitira bago sumapit ang alas dose ng tanghali.

Maingat kong tinanggal ang mga braso nila Lucius at Lyrius na nakayapos sa beywang ko. Para nila akong ginagawang sandwich nito, buti na lang hindi nila ako naipit lalo pa't may pagka-higate ang dalawang 'to.

Bumangon naman ako sa pagkakahiga at sakto namang bumukas ang pintuan. Niluwa nun si Lician at si Lucien na may bitbit na mga pagkain na nakapatong sa tray na gawa sa kahoy. Agad silang napangiti nang makita nila ako.

"Good morning! Breakfast in bed, my little kitten. Ay mali, magtatanghali na pala," masiglang turan ni Lucien bago sila lumapit sa akin.

"We're glad na gising ka na. It's almost lunch time, mi reina. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising." sambit naman ni Lician sa akin.

Nginitian ko lang silang dalawa at hinayaan ko lang si Lucien na ilapag ang tray na gawa sa kahoy. Inayos lang 'to ni Lucien para maging maliit na lamesa at para hindi ako mahirapang kumain ng mga pagkain na hinanda niya.

"Kamusta pala pakiramdam mo? Pinagod ka siguro ni Lucius kagabi 'no?" nakangising tanong sakin ni Lucien dahilan para uminit bigla ang magkabila kong pisngi.

Naalala ko yung nangyari sa amin ni Lucius kagabi. That was so intense. Hindi ko talaga akalain na mas matindi pala siya magpalasap ng ganung klaseng sensasyon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Lician bago niya ako saglit na hinalikan sa aking labi. Sumunod naman si Lucien na humalik sa akin.

"Kumain ka na, ipapakilala ka pa namin sa mga grandparents namin sa side ng mommy namin," ani Lician na nakangiti.

"Paano sila Lucius at Lyrius? Hindi niyo ba muna sila gigisingin para makakain na din sila?" tanong ko sa kanila.

Tumingin naman silang dalawa kina Lucius at Lyrius na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. Ginawa pa ngang unan ni Lyrius yung hita ko pero hinayaan ko na lang siya.

"Don't worry, nakakain na sila kanina. Actually, gising na silang dalawa kanina pero bumalik ulit sila sa tulog para tabihan ka at para may kasama ka dito sa kwarto. Hindi ka rin kasi inabalang gisingin ni Lucius," saad ni Lucien kaya napatango-tango na lang ako.

Ngayon ko lang din narealize na wala akong kahit na anong suot na saplot. Tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa hubad kong katawan. Hindi na kasi ako nakapag-bihis kagabi dahil sa sobrang antok at pagod ko.

"Sige na, kumain ka na bago pa lumamig itong niluto kong chicken soup para sayo," utos ni Lucien dahil hindi ko pa ginagalaw yung pagkain na nasa tray.

"Ikaw mismo nagluto nito?" I asked him sabay turo sa mga pagkain.

Merong chicken soup, isang basong gatas at sandwich na may palaman na bacon and fried egg. Naaamoy ko palang ang mga pagkain na 'to ay natatakam na ako. Kumukulo na rin ang tiyan ko sa gutom.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon