KABANATA 30

34.8K 1.1K 363
                                    

This chapter is dedicated to: Athytayodyan

KABANATA 30:

MARY'S POV

Iniwan ako ni Lician na speechless kanina doon sa trunk compartment. Wala talaga akong masabi sa kanya at lalong hindi ako makapaniwala na kilalang-kilala niya ang pabango ko. Dahil ba kaya sa amoy ko kaya siya naghinala sa akin na meron akong tinatago sa kanila? Pero imposible naman kung ganun!

Bigla tuloy akong nabahala dahil doon. Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na may paraan siya para malaman kung ano ang tinatago ko lalo na kung sino ako. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na walang lihim ang hindi nabubunyag.

Kaya natatakot ako ngayon na baka bigla na lang mabunyag sa Hellion Quadruplets na ako si Mary at baka magalit din sila sa akin. Ikinakabahala ko rin na baka magalit sila kina Tita Harmony dahil baka malaman nilang may kinalaman ang kanilang ina sa pagdi-disguise ko.

Kagat-kagat ko tuloy yung kuko sa aking daliri habang hindi ako mapakali dito sa kwarto. Parang mas gusto ko na lang na tumambay dito sa kwarto kaysa lumabas pero baka mas lalong magtaka yung apat lalo na si Lician kung bakit hindi ako lumalabas tapos bigla pang maghinala lalo si Lician sa akin.

Kasalukuyan na akong nandito sa magiging kwarto ko sa loob ng apat na araw dito sa Lilura Isla at buti na lang ay solo ko itong kwarto. Nandito ako ngayon sa balkonahe habang tahimik kong pinapanood ang mga kasama ko na naroon na sa dagat at nagsisimula na silang maligo.

Ayoko namang sumali sa kanila dahil paniguradong masisira lang ang pagdi-disguise ko at baka tangayin pa nung dagat yung suot kong wig o di kaya mabura yung mga make-up ko sa mukha. Sighed.

Kaya mas pinili ko na lang na panoorin sila Tito Shawn na maligo sa dagat. Jusko! Bakit pa ba ako sumama rito sa Lilura Isla samantalang hindi ko naman yata mae-enjoy yung bakasyon ko rito. Hindi naman ako makaligo sa dagat dahil baka mabura at mawala ang mga disguise ko sa katawan.

Kinakabahan rin akong lumabas ng kwarto dahil baka makasalubong ko sila Lician at baka maulit pa yung nangyari kanina doon sa truck compartment.

"Mary!"

Mabilis hinanap nang dalawa kong mata kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Palinga-linga pa ako sa paligid ko hanggang sa napunta ang tingin ko sa ibaba nang balkonahe at nakita ko si Tito Laito na nasa patio at mukhang mag-iihaw siya ng mga karne at sausages. May hawak-hawak pa nga siyang wooden stick para roon itusok yung mga karne at pati na rin yung mga sausages.

"Bakit po tito?" magalang kong tanong sa kanya.

Kinabahan pa ako dahil tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. Bahagya pa akong sumilip sa ibaba para mas makita ko siya nang maayos. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala ang Quadruplets doon kaya hindi nila narinig si Tito Laito na tinawag ako sa totoo kong pangalan.

Napansin kong naroon din pala sila Tito Liam na tinutulungan si Tito Laito para ihanda yung mga karne. Sila papa Lorcan naman ay mga nakaupo sa silya at tahimik lang na pinapanood yung mga kasama namin na naliligo sa dagat. Samantalang si Dad naman ay abala sa pagsiga ng apoy dun sa mga uling.

Bakit sila yung mga nag-aasikaso nun samantalang sinama naman nila Tita Harmony yung mga katulong nila? Saglit kong binalik ulit yung tingin ko sa mga naliligo sa dagat at napansin kong naroon din pala yung mga katulong na naliligo na rin sa dagat kasama sila Tita Harmony.

"Hindi ka ba maliligo sa dagat, iha? Ayaw mo bang lumabas diyan sa kwarto mo?" tanong niya sa akin at saglit pa niyang inangat ang kanyang ulo dito sa itaas ng balkonahe para matignan ako.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon