Prologue: Alitaptap

46 5 14
                                    

"Saan ba tayo pupunta?"

Hila hila ako ni Bela, 'di naman sa nagrereklamo ako pero may pa suspense pang nalalaman 'tong babaeng 'to.

"Basta" sabay kindat. Ayun pa'no pa ko makakahindi n'yan? Sige sama mo na 'ko wala na rin naman akong no choice.

Nasa loob kami ng menro, papunta sa forest. Kung taga dito kayo alam nyo na kung anong ibig nyon. HAHA char.

Nga pala ako si Dave, Dave Dueñas, simpleng tao na ngayon ay hila hila ng isang napakagandang dilag; si Bela Perez, bestfriend ko. 'Di ko alam kung bakit ang hirap at ang sakit nung sabihin.

"Ano ba yan?" tampo ko, pero for real pagod na ako HAHA
"Kanina pa tayo lakad ng lakad eh!"

Huminto sya at binitawan nya kamay ko, na nagdulot ng konting kirot sa aking puso.

Humarap sya sakin, tumama sa mukha nya ang sanag ng buwan. Ang ganda nya talaga, makapal na mga kilay, mapungay at kulay hazel na mga mata, samahan mo pa ng cute nyang ilong... hay... tapos ngumiti pa sya. Parang bigla kong naramdaman lahat ng kulisap sa kapaligiran na nagdiriwang sa gandang nakita nila, 'di ko rin naman sila masisisi.

"Oh?" Pakipot? Kalma, kaibigan ka lang haha.

"Pikit ka." Matapos nyang sabihin yun 'di ko na napigilan ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw, ewan, napakasaya ko lang. Pinapapikit lang eh, parang ewan.

"Ah sige sige" sabay pikit na may inaasahang mangyayari, alam nyo na siguro yun haha. Nais kong ibahagi ito sa lahat ng naniwala at sumabaybay sakin HAHA.

"Wag kang sisilip ha!" malambing nyang sinambit, haysst tama na 'di ko kakayanin!

Naramdaman ko yung kamay nya na inabot yung mga kamay ko.

"Pwede nang dumi------"

"HINDI PA! WAG KANG SISILIP!"

Kakagulat naman, ano bang problema neto?

Hawak nya na mga kamay ko, 'di man ako nagsasalita pero parang nakatapos na ako ng isang kanta sa tindi ng nararamdaman ko. Tama na Bela! 'Di ko kaya!

"Buksan mo na"

At dahan dahan kong binuksan mga mata ko, unting unti luminaw ang paningin ko. Isang anghel, bumungad agad sa akin. Kahit kelan 'di ako magsasawang tignan sya.

Nakangiti sya, parang bumagal ang lahat, alam ko cliche na to pero iba pala talaga pag ikaw na ang nasa sitwasyon.

"Huy!"

"Ah bakit bakit?" Hanep na kagandahan kasi yan.

"Tignan mo ang palibot."

Binaling ko ang tingin ko sa mga punong kahoy, at duon... 'di ko nahanda ang sarili ko sa mga nakita ko.

"Matagal ko nang nadiscover to! Gusto kong ishare sayo!"

'Di na ako makasagot, nabalot kami ng mga nagtitingkarang ilaw. Nature's light show, mga alitaptap. Napakaganda, kakaiba, samahan mo pa ng ganda ng kasama ko talaga namang kumpleto na.

"Wag namang masyadong nganganga, mapasukan yan ng langaw sige ka!"

Tumulo ang luha sa kanang mata ko, ewan ko ba kung luha o napuwing lang. Ewan.

Binalik ko yung tingin ko sa kanya, ang aking liwanag, ang aking alitaptap. Sa totoo lang 'di sila papantay at parang alam nila yun, sa pagikot sa kanya ng mga ilaw ay parang maging sila'y mangha sa angkin nyang ganda.

Sa puntong ito, 'di na kita gusto Bela. Mahal, mahal na kita Bela Perez.

Turn BackKde žijí příběhy. Začni objevovat