Chapter 7: Papel

22 3 9
                                    

Bumabalik sa panahong 'di matakasan, paulit ulit sa mundong pagikot ay 'di na nararanasan...

------------------------------------------------------------

Nasa infirmary kami ngayon ni Dave, bigla na naman kasi syang nawalan ng malay.

Ilang beses ko man 'to naranasan pero 'di parin naiibsan yung sakit, na makita mo yung taong mahalaga sayong nagkakaganito.

Marahil ay nagtataka na din kayo, ako rin. Magpasahanggang ngayon ay 'di ko alam kung bakit 'to nangyayari?

Panaginip ba 'to?

Sana...

Kailan ba ako gigising?

Bakit sa dinami raming ibang gagawin ay eto pa napili ng sansinukob?

Nakatitig lamang ako sa maamo nyang mukha. Bigla na lamang may pagkirot sa dibdib ko.

Ang sakit...

Baka may malaki akong atraso sa past life ko? Deserve ko ba 'to?

'Di ko na alam, nilabas ko na lamang ang papel... papel na kung saan nakatala ang mga takdang mangyari.

Si Dave ay mahihimatay - IIIIIIIIIII
Dadalhin sya sa infirmary - IIIIIIIIIII

Mahaba pa itong listahan, labing isang beses na palang nangyari 'to?

Dahil na rin sa nature netong papel tinawag ko itong, Cassandra, Cass for short.

Naalala ko tuloy bigla ang araw na magbabago ng buhay ko.

- F L A S H B A C K -

Hala! Malelate na ako neto!

Ngayon pa naman defense namin sa practical research!

Ano ba naman yan Isabela?! Ang laki laki ng bilog sa November 16 oh!

Puyat pa kase!

Nagmamadali akong kumuha ng tinapay at isinalpak sa bibig ko, wala nang arte arte takte 'di ako pwedeng malate!

Naligo ako na parang contestant lang sa minute to win it sa so rang bilis ko matapos. 'Di na ako nagshampoo, maganda din naman ang buhok ko eh! Char...

"Ma aalis na ako!"

Sigaw ko habang nagbubutones at tumatakbo palabas ng bahay.

"Nak nadala mo ba baon mo?!"

Nag-aalalang sigaw ni mama.

Ack! The best mama sa yonibers!

"Oo Ma!" Kinawayan ko na sya't kumaripas paakyat sa school.

Buti na nga lang talaga't malapit lang bahay namin sa school.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko... 7:21 a.m. AYOS! Panigurado aabot ako neto!

Nilagay ko na ang buo kong lakas sa pagtakbo, yung tipong life or death situation na. Tatakbo ka o tatakbo ka?! Paulit ulit kong kumbinsi sa sarili.

Nang makaakyat ako sa kalsada'y may napansin akong kakaiba.

Nahinto ako panandalian dahil walang bakas ng kahit isang tao dito, parang may laban lang si Pacquiao.

Huy! Nukaba? 'Di na importante yan malalate ka na!

Agad na akong kumarera sa school, sana bukas ang back entrance!

Turn BackWhere stories live. Discover now