Bela | Chapter 6.5: Alitaptap?

17 4 16
                                    

"Uy saan ba tayo pupunta?"

Patampo kong tanong sa lalaking humihila sakin. San ba kasi ako neto dadalhin?

"Basta Isa, malapit na tayo dun!" ang laki pa ng ngiti sa kanyang mukha nang sinabi nya 'to.

Pinalilibutan kami ng ingay galing sa mga sound systems sa kalsada, pyesta kasi ngayon samin at merong disco sa kalye, basically parang bar ang kalsada't madaming nagsasayawan.

Napapatawa tawa pa 'tong tulmol habang hinihila ako. Aaminin ko, gustong gusto ko na hawak nya ang kamay ko ngayon. Ehe lande eh...

Para ka talagang bata Dave. Sino ba naman ako para guluhin ang excitement nya diba? Ang kyut nya, para syang bata na binigyan ng regalo at ngayon ay sabik na sabik nang buksan yun.

Huminto kami sa harapan ng entrance ng Menro, sa gilid ay sya naman ang sayaw ng mga tao. Nabaling ang tingin ko saglit at may nakikita pa akong nag shoshowdown. Angas!

"Huy Isa!" ARAY! Inalog alog ba naman nya ang balikat ko.

"Ano yun Dave?!" medyo nairita ako kaya't napasigaw ako sa pagsagot sa kanya. Tinignan ko lang sya, 'di nagbago ang ekspresyon sa mukha nya.

Nakangiti lamang sya sakin, WAAAAH! Di to kakayanin ng puso ko Dave! Boang ka!

Mas mataas sya sakin kaya pag tititigan ko sya'y talagang titingala ako. Sakto din naman kasi tinitingala ko sya. Nakatitig lang ako sa mukha nyang sobrang gwapo!

Yung mga mata nyang nawawala kapag nangiti sya, yung mahahaba nyang pilikmata, yung kilay nyang makapal, yung ilong nyang matangos, labi nyang may katamtamang kapal at kulay rosas. Napakalakas ng mga hiyawan ng tao't patugtog pero wala silang binatbat sa sigawang nangyayari sa puso ko.

Hinawakan nya na ang kanay ko at humarap sa direksyong kung saan nya ako dadalhin. May bakas parin ng ngiti sa kanyang mukha, parang bigla namang bumagal ang lahat.

"Sure akong sasaya ka sa papakita ko sayo!"

Dali dali nya na akong hinila, pumasok na kami sa Menro. Madaming tao sa kalsada pero marami ding tao dito. Notorious kasi tung lugar na 'to samin eh, ginagawa ba namang hotel haha.

Teka nga lang! Baka may balak tung kumag na 'to sakin ah!

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawa nya't lumayo ng isang hakbang.

Nilingon ako ni Dave, na ngayon ay may pagtataka sa mukha. Nawala din yung ngiti nya. haaays

"Oh bakit?"

Lumapit sya ng isang hakbang habang natanong.

'Di ako sumagot at sabay tinakpan ang dibdib ko gamit aking mga kamay.

Mahirap na mga mare no!

'Di maipinta ang pagtataka sa mukha ni Dave, nabaling naman ang tingin ko sa gilid at wala pang ilang segundo'y nahagip na ng aking mga mata ang isang couple na naglalaplapan. Yuck!

Napatingin din si Dave sa direksyon ng tinignan ko, ewan ko ba pero feeling ko dahil sa reaksyon ko sa magjowa'y bigla syang tumawa.

"OH BAKIT KA TUMATAWA?!"

Nilapitan ko sya't umaktong manununtok. 'Di nya man lang ako napansin at narinig, mas nilakasan nya pa ang tawa. Ekis na ba 'to? Gwapo sana kaso baliw!

Tinalikuran ko sya, balakajan! Gandang kong 'to tinatawanan mo lang hmmmpf!

Natigil na sya sa pagtawa, ngayon wala nang tunog na maririnig kundi ang ingay sa may kalsada.

Nilingon ko sya't laking gulat ko nang...

"Tara na Isa, malapit na tayo."

Naramdaman ko ang init nya malapit sa 'kin, rinig ko ang paghinga nya't ito'y dumadampi sa aking mukha. Ambango nya!

Ako na yata pinakamaswerteng babae sa buong mundo!

'Di na ako nakasagot, kinuha nya ang kamay ko't hinila ako papunta sa kung saan mang lugar na masisiyahan daw ako. Kahit nasaan naman ako, basta kasama kita ako ang pinakamasaya.

Nasa kakahuyan na kami ngayon, pahina na ng pahina ang ingay ng tugtugan at ng mga tao.

"Pumikit ka muna!"

Huh? Pikit? Bakit? 'Di kaya....

"Pumikit na dali! Surprise 'to!"

Dahan dahan ko nang pinikot ang mga mata ko, huling imaheng naaninag ko'y ang sa mukha nyang nakangiti.

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin, ang ingay ng mga kuliglig at ang paghangin sa mga sanga ng mga punong malapit.

Ano kaya gagawin neto?!

"Pwede mo nang buksan."

Ang kyut ng pagkakasabi nya, yung tipong bata na may ipapakita sa parents nila na ginawa nilang akala nila napakagaling. Ganun.

Dahan dahan kong binuksan mga mata ko, 'di ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Ambilis ng tibok ng puso ko takte!

Pagmuklat ng mga mata'y natulala nalang ako sa kinatatayuan ko.

Napapalibutan kami ng mga alitaptap, ang ganda!

Takte ka Dave!

Paikot ikot lang sila samin, ngayon lang ako nakakita ng ganito karami na alitaptap.

Nakakakalma ang ilaw nila, parang lahat sila nagsasabing... kaya mo yan! Naniniwala kami sayo! Wala kang katulad!

Bukod tangi sa lahat, para tuloy akong nasa fairytale.

Shemay! Ako na ang nanalo mga te!

Tinignan ko si Dave na ngayon ay may napakalaking ngiti sa mukha, nawala na nga mga mata nya sa sobrang pagngiti.

Lumapit sya sakin. Agad namang nagsigawan ang utak ko't puso. Dave! 'Di kakayanin ng puso ko 'to!

Nagkaharapan na kami, ramdam ko ang paghinga nya.

Dumanpi ang ilaw ng buwan sa mukha nya, 'di ko alam kung bakit pero biglang naging side show ang mga alitaptap sa main attraction na nakikita ko ngayon.

Bumagal ang lahat, nakatitig lamang ako sa kanya. Minamasdan sya, habang pinalilibutan kami ng mga sumasayaw na ilaw.

"Isabela Myca Perez."

Shemay! Ang lapit ng mukha nya sakin!

'Di ako nakasagot, masisisi nyo ba ako? Daig ko pa yata nanalo sa lotto eh, ako na ang panalo! Ako na!

"O-oh bakit D-Dave?"

Pumiyok pa ako nang sinagot sya.

Gagi! Buang! Matu-turnoff nyan so Dave sakin eh!

Hinawakan nya ang mga kamay ko at sa malilim nyang boses ay nagsabing....

"Isabela Myca Perez, sa tuwing masisilayan ka'y ganito ang nakikita't nararamdaman ko."

Dahan dahan nyang itinaas ang kamay ko hanggang sa umabot sa gitna namin, yung parang sa mga candidate ng miss universe tuwing iaannounce ma kung sinong nanalo.

Sa panahong ito, ako, ako ang Miss Universe!

"Bela ikaw ang alitaptap ko."

WAAAAH! TUMABI NA KAYONG LAHAT! AKO ANG NAGWAGI!

Lahat parang napakainsignificant, yung tanawing dapat nagpapatigil sa akin ay walang sinabi sa tanawing nasa harapan ko ngayon.

Pasensya na mga alitaptap, walang sinabi yang mga ilaw nyo sa liwanag ni Dave.

Nawala bigla ang lahat, pakiramdam ko lumulutang ako sa langit kasama sya. Napakasaya ko, yun ang pinakamasayang gabi ng aking buhay...

Yun ay isang taon na ang nakalilipas...

Itutuloy...







Turn BackWhere stories live. Discover now