'Di mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Wala na akong pake kahit marinig nila ate pagsigaw ko sa kwarto, bahala kayo dyan! Ako ang nanalo! HAHAHAH
"HOY! KUNG AYAW MONG MATULOG MAGPATULOG KA!" sigaw ng maganda pero malagorilya kong ate.
"Ano ka ba ate? Hayaan mo na ako! Masaya lang talaga ako!" 'di ko naman madescribe ang mukha nya matapos kong sabihin yun.
"Si Bela?" sabay ngiti. Baliw.
"Ha? Anong meron ba?"
"Sya lang naman kayang magpangiti sayo ng ganyan eh!" tama ka ate, tumpak ka at correct!
"Ba't 'di ka pa kasi umamin?" biglang nagiba timpla ko, ibang usapan na kasi yan eh.
"Ayaw kong mawala kung anong meron kami ate!" sa totoo lang natatakot ako, baka sa isang iglap mawala yung connection namin.
Tinabihan ako ni ate sa kama ko.
"Dave Dueñas, basta kung saan ka masaya suportahan kita." sabay hug, haysst. Salamat ate, wala talagang papantay sa isang Devon Dueñas!
"O sya sya! Tama na yang kalandian mo! Let me sleep please brother dear!" tumango nalang ako, medyo inaantok na din kasi ako eh.
"Sorry ate, Goodnight!" ngumiti nalang sya at lumabas na sa kwarto ko.
Matutulog na rin siguro ako. Sleep in -3- -2- -1-
Takte! 'Di ako makatulog! I mean sino ba naman makakatulog diba?!
Tinignan ko phone ko, 11:53 pm na. Nagscroll lang ako sa fb then napangiti nalang ako sa nakita ko...
Bela Perez -online-
Biglang bumilis tibok ng puso ko, takte masarap na masakit! Mahirap i-explain nakakabaliw! Waaaah!
Uy gising ka pa?
BACKSPACE!!!
Ey Bell! Goodevening! Salamat pala sa kanina ha!
BACKSPACE!!!
I LOVE YOU! 💖💖💖
SEND
OH SHIIT!! TAKTE! TAKTE!!! PANO NA TO?! TAKTE POTA!
UNSENT MESSAGE!
SOMETHING IS WRONG
Takte ayaw ma unsent! Ilang beses ko nang sinubukan! Ano ba naman to?!
SENT
SEEN
Wala na... okay mga ninuno at mga nauna pa sa akin pwede nyo na akong kunin. Salamat sa lahat ng sumuporta at naniwala sa akin.
TYPING.....
Weird ba na umaasa parin ako na may tsansa ako, na sa reply nya inaasahan ko na may feelings din sya para sakin. Nilagay ko nalang yung phone sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa ceiling fan, nag-iisip ng pang-rebat sa rejection nya.
*messenger noises*
Ackk! Medyo nagka mini-heart attack ako nun. Ano kayang reply nya? Makapagstretching kaya muna waaah!
Nababaliw na yata ako! Ano ba naman yan Dave Dueñas umayos ka! Kaya mo to!
Dahan dahan kong kinuha ang phone ko, gumugol pa ako ng ilang minuto na nakatitig lang dito. Binuksan ko na't dahan dahang tinype ang passwork ko....
B-E-L-A-P-E-R-E-Z
Takte corny ba ko? Pasensya na.....
Yun nakita ko chathead nya na may reply. Anong gagawin ko? Haysst All or nothing na! Well mostly nothing, eto na!

BINABASA MO ANG
Turn Back
General FictionSi Bela at si Dave. Si Dave at si Bela. Bestfriends since bata hanggang sa kasalukuyan. Si Dave ay may tinatagong pagtingin. Si Bela ay may tinatagong sikreto. Ano kayang mangyayari pag mabunyag ang isa sa kanilang mga pinaka-iingatan?