Chapter 2: Walis

16 3 8
                                    

Ramdam ko ang labi nya na nakadampi sa pisngi ko.

Agad naman akong nagblush sa ginawa nya, takte ba't nya naman gagawin yun? WAAAAAH

Nakatingin lang ako sa kanya, 'di ko alam ang sasabihin.

Pulang pula naman sya, parang hinog na kamatis.

"Sorry." Sabi nya sabay tingin sa malayo.

'Di na ako sumagot sa kanya, tumingin nalang din ako sa Lake, sa mga bundok, sa mga fish pen, sa kahit saan nalang mawala lang sa isip ko yung ginawa nya.

Dumating na yung pamboat nila, kinawayan ko sya pero 'di sya makatingin sa direksyon ko.

Makauwi na nga lang.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at nahiga sa aking kama. Paulit ulit na nagrereplay sa isip ko yung nangyari. Nararamdaman ko parin yung labi nya sa pisngi ko. Bakit ganun?! Waaaah!!!

*messanger notif sound*

Chathead: Bela Perez

Tampo ako sayo, 'di ka sumabay sakin maglunch.

Ay gagi oo nga pala, 'di ko pa naman sya naabisuhan. Waaaah sorry Bela!

Madami kasi kaming activities kanina na ginawa, tambak eh. Pasensya na. Bawi ako sayo bukas.

*Bela Perez requests a Video Chat*

Bumungad sa akin, mukha ng isang anghel. Paulit ulit ba ako? Pasensya na ganun talaga eh, ganda nya talaga.

"Uy Bela, sorry talaga! Babawi ako s----"

"Okay lang oy! HAHAHA Musta?"

Bruha talaga 'tong Bela na 'to. Naku!

"Ayos lang naman, nakakapagod. Mostly stressed sa mga happenings ngayong araw."

Bigla ko namang naalala si Sam. Hindi! Wala yun Dave!

"Uy may kumakalat na balita sa mga Grade 12 ahhh!"

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Please sana 'di kumalat yung inisip ng mga tamang hinala naming classmates.

"YIEEEEEEE! PAKIPOT PA 'TO OH! ANO KA CHICKS?"

Sabi nya sabay tawa. 'Di ako natatawa, kawawa naman si Sam.

"Uy ano nga?!"

Ngumiti sya, yung tipong parang kapatid mo na nangaasar. Ganun, sarap tirisin eh.

"Congrats sa inyo ni Samantha!"

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Sam? Pasensya ka na ha, tinulungan mo lang ako pero kung ano pang chismis ang kumalat na involve ka. Sorry.

"Uy gagi! Di kaya no! Tamang hinala lang kasi mga classmates namin takte!"

Laki parin ng ngiti mg Bela, naboang na siguro talaga.

"Sus pakipot pa eh! Sige usap nalang tayo bukas. May gagawin pa ako. Byeeee!"

-Call Ended-

Nakatitig lang ako sa kisame, ramdam yung hangin galing sa electric fan.

Kinabukasan bungad agad ng mga estudyante sa akin. Congrats.

Takte kahit ibang grade levels alam na yung balita. Grabe naman, celebrity ba ako? Ba't lahat may pake dun? Sorry talaga Samantha!

Nagmadali nalang ako pumunta sa classroom. Animo Eye-shield 21 na galawan, iniilagan ko lahat ng estudyanteng paakyat sa covered walk.

Ayaw kong makarinig ng kahit ano pang congrats or ayiiieee ngayong araw. Nababarat na talaga akong tunay.

Malapit sa gate, nakita ko ang kasigaruduhan ko. Bela.

Turn BackWhere stories live. Discover now