Chapter 5: Keychain

16 4 5
                                    

'Di ko nakita si Bela sa canteen. 'Di ko rin alam kung galit ba sya sakin, kung ano ba. Nakakainis, ano kayang problema nun?

"Uy kumain ka na." paanyaya ni Sam habang inaabutan ako ng ham and cheese sandwich.

"Busog ako, sayo nala---"

*hungry stomach noises*

Takte! Nakakahiya!

Nakatingin lang ako kay Sam na parang hirap na hirap sa pagpigil ng kanyang tawa.

Gagi wag mo nang pigilan baka sa iba pa yan lumabas.

Natawa ako bigla nung maisip ko yun HAHAHA, pasensya na kayo napakababa ng kaligayahan ko.

Natawa na rin sya.

Bela. Si Bela ang nakikita ko sa kanya, normal na ba 'to? Natigilan nalang ako bigla.

Napatingin naman sakin si Sam na puno ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

Nginitian ko lang sya to assure her na okay lang lahat, kahit 'di naman.

Isinawalang bahala ko nalang, baka prank lang nya yun. 'Di nya ko matitiis no? Ako yata bestfriend nya, bestfriend... BEST friend... friend...

Biglang may tila tumusok sa puso ko. 'Di na sya babalik.

Agad akong tumayo, nagulat si Sam sa ginawa ko. Tinignan ko lang sya at parang naintindihan nya na kung anong ibig kong sabihin.

Thank you Sam. Nginitian ko nalang sya at sabay takbo.

Kahit saan, kahit saan ako makarating, basta makita ko lang sya. 'Di pwedeng matapos sa ganito, ayokong matapos sa ganito!

Habang dinadala ako ng mga paa ko kung saan, ay biglang bumaha sa isipan ko ng ala-ala naming dalawa.

Takot na takot ka pa dati sa mga pusa, lagi kang nagtatago sa likod ko habang ako, ako yung knight in shining armor mo. Miss Matatakutin HAHAHA.

First say of school nung 7th grade, uwian na pababa tayo nuon galing sa school tapos nalaglag ka sa kanal! Hahaha!

Marami pang ala-ala na 'di ko na napigilan ang pag-agos. Gaya ng mga ala ala na 'to ganun din ang mga luha ko.

Mas binilisan ko pa ang takbo, kung saan saan na ako nakarating. 'Di ko parin sya nakikita.

Basang basa na ang mukha ko, 'di ko alam kung ng pawis o dahil sa mga luha.

Nakaabot na ako sa mini-forest sa school. Sinaksak bigla ang puso ko.

Ang gabi ng mga alitaptap...

Ang gabi na alam kong mahal na kita...

Ang gabing pinakamasaya sa talambuhay ko...

Ang gabing magkasama tayo... sa kakahuyan na kagaya nito...

Naupo na muna ako sa paanan ng isang puno, mataas ang puno. Ngunit pinamamahayan na ng anay ang ilang parte.

Makikiupo muna ako ha, 'di ko alam pero parang narinig ko ang puno sumagot.

Ilang segundo pa ay di ko na mapigilan ang mga luha.

Ang sakit!

Bakit ganito?!

'Di naman kami ah!

'Di magiging kami!

Sa pag-ulan dala ng bagyong hatid ng puso ko'y 'di ko makuhang magalit sa kanya. Ako ang may kasalanan, 'di ko alam kung anong nagawa ko.

Turn BackWhere stories live. Discover now