Chapter 6: Room

17 4 5
                                    

"Bela, sandali lang!"

Nahinto naman sya, ilang saglit pa'y humarap na sya.

Ang mahaba nya't mala-along buhok ay malumanay na sumasabay sa kanyang galaw, siguro namamalikmata lang ako o ewan pero bigla nalang naghintuan ang mga ibon maging sila'y mangha sa kagandahan ni Bela.

Rinig ko ang chismisan sa loob ng classroom, pero 'di na importante ang ingay nila. Kaharap ko na sya! Ito ang mahalaga!

Ngayon nakatayo na kami't magkaharap, ang mata kong paluha na'y tinitigan ang sa kanya. Mga mata nyang tila wala nang nararamdaman, blanko, ang sakit.

"Oh bakit Dave? May klase kayo oh, buma---"

Tinulak ako ng aking emosyon at sya'y niyakap. Ramdam ko ang init nya, malapit sa akin.

"Dave?! Ano ba?"

Pagpupumiglas nya, agad syang kumawala sa pagkakayakap ko.

'Di ko na alam kung anong nangyayari sa'kin parang mababaliw na ako. 'Di naman kami eh at 'di magiging kami.

"WHAT'S THE MEANING OF THIS MR. DUEÑAS?"

Medyo napatalon ako sa sigaw ni sir na ngayo'y puno ng pawis ang ulo't may 'di na mapaliwanang na shape ng pawis sa dibdib.

Tinginan naman ang mga classmates ko samin.

Napatingin nalang ako sa baba, sorry Bela! Baka ma-issuehan ka pa...

Palapit na si panot sa amin, kada hakbang nya'y sya ring tulo ng mga tila butil ng bawis sa kanyang mukha.

Tinignan nya lang ako at binaling nya naman ang tingin nya kay Bela.

"Sir! Sorry po! Walang kinalaman dito si Bela! Ako po ang may kasa---"

"MS. PEREZ! I'LL SEE YOU BOTH IN DETENTION!"

Napatingin agad ako sa direksyon ni Bela, 'di man lang natinag ang mukha nya. 'Di ko alam kung bakit pero iba sya sa Belang kilala ko, anong nangyari sa kanya?

"Yes sir, sorry po sa abala." Sagot ni Bela habang nakangiti. Namiss ko yung ngiti nya, nakakalungkot nga lang na sa ganitong sitwasyon ko pa yun nakita.

"Now, come back inside Mr. Dueñas at kung hindi ay papatawag ko na talaga parents mo!"

Pumasok na si sir, paalis na rin si Bela. Naiwan akong nakatayo sa labas ng classroom, balisa. 'Di man lang nakuhang magpaalam ni Bela, palayo na sya ng palayo. Natunaw sa isipan ko ang imahe nyang paliit ng paliit.

Pumasok na ako sa classroom, nanlamig bigla ang karamdaman ko.

Marahil dahil sa tinginan ng mga classmate ko, marahil sa mga usapan nilang kung ano tungkol sakin, marahil dahil sa takot kay sir.

Maraming marahil pero isa lang ang tiyak, natatakot akong mawala si Bela.

'Di ko mapaliwanang ang nadarama ko. Gusto kong sumigaw! Gusto kong manuntok! Gusto kong maging abo nalang tulad sa mga na-snap ni Thanos! Gusto kong... umiyak...

Habang papunta ako sa bangko ko, parang feeling ko isa akong kriminal na papuntang silya-elektrika.

Parang kamatayan naman din 'tong parusang ginagawa sa akin ng tadhana.

May biglang init akong naramdaman sa likod, pagtingin ko sa direksyon nya bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ko.

'Di nya na kailangang magsalita, damang dama ko na ang comfort na binibigay nya.

Sam, nakatingin lamang ako sa kanya luha'y tumutulo sa magkabilang mata. Nakangiti lang sya, ngiting nagpakalma ng aking pusong nagwawala.

Pinahiran ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi at nagpatuloy na sa araw.

Turn BackWhere stories live. Discover now