Chapter 3: Lakad

17 5 12
                                    

"SAM!"

Sabay kaming napasigaw ni Bela. Pinakalma ni Sam ang mama nya at pinapasok sya sa kanilang bahay.

Tumingin sya sa direksyon namin, tinitigan nya kami mabuti at pumasok na sya sa loob ng bahay nila.

"Pumasok na kayo, dali."

Sigaw nya mula sa loob.

Agad naman kaming sumunod ni Bela.

Simple pero maganda ang bahay nila Sam, malawak ang espasyo at ang ganda ng pagkakaayos ng mga gamit.

"Maupo muna kayo."

Alok nya sa amin. Umupo naman kami ni Bela.

Nagkamustahan muna kami at nagkwentuhan saglit. Kahit na nakangiti si Sam ay bakas sa itsura nya ang lungkot. 'Di ko alam kung bakit pero may biglang pagkirot sa puso ko habang nakikita syang ganyan.

"Ba't di ka pumasok kanina? Kung dahil 'to sakin sorry ha, sorry talaga!"

Paluhod na ako pero pinigilan ako ni Sam, hinawakan nya kamay ko at lumapit sa kanang tenga ko.

"Please Dave, don't."

Bulong nya sa akin, may kung ano na namang kirot ang naramdaman ang puso ko. Umupo nalang ako ulit sa tabi ni Bela.

Ngumiti si Sam sa amin.

"Ayos lang ako, medyo pangit lang talaga timpla ko ngayong araw."

Umubo pa sya pagtapos sabihin yun.

"Yaan nyo bukas sa school na ulit ako."

'Di ko nalang sya sinagot, tumingin ako sa direksyon ni Bela at parang parehas kami ng naiisip.

"Umuwi na kayong dalawa, tung mga to talaga!"

Lumapit sya at niyakap kaming dalawa.

"Salamat ha."

Niyakap namin sya ni Bela pabalik, hinigpitan nya naman ang yakap nya.

Iba yung yakap nya, parang ang bigat. Yung tipong may dala syang kung ano na napakabigat.

"Kita tayo bukas Sam ha! Wala akong kokopyahan ng assignment!"

Natawa naman silang dalawa sa sinabi ko. Bigla ako natigilan, this must be heaven, rare na tanawin dalawang anghel na tumatawa.

"Bye guys!" Kinawayan nya kami habang kami ay paalis.

"Ano? Lakad?" Tanong sakin ni Bela.

"Lakad!"

Wala naman kaming makita na habal habal kaya't naglakad nalang kami, naka exercise na, mas marami pa kaming oras sa isa't isa HAHAHA.

Palubog na ang araw nun, natigilan kaming dalawa at napatingin sa lake, ang ganda ng sunset dito.

Napaka-peaceful, sa kabila ng mga nangyayari ito ang isa sa nagpapakalma sa akin.

Tumingin ako sa direksyon ni Bela, nagulat ako sa nakita ko.

"HUY AYOS KA LANG!??"

Hindi sya gumagawa ng kahit anong tunog pero 'di matigil ang pagtulo ng mga luha nya. Lumapit ako sa kanya't niyakap sya.

Humagulgol lang sya, parang bata na nawala ang hawak sa kamay ng nanay nya.

Habang nasa bahay palang kami nila Sam pansin ko na ang sakit sa mga mata nya.

Pahupa na ang mga luha nya, pinunasan nya gamit damit ko.

"BA! AYUS AH!"

Nginitian nya lang ako at nagpatuloy sa paglakad.

Turn BackWhere stories live. Discover now