♛Chapter 1♛

89 41 21
                                    


~Mr. Valdez~


•Rachelle POV•

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagsinag ng araw sa aking mukha.

Unti-unti kong iminulat ang aking mata at bahagyang bumangon. Nagulat ako ng mapagtanto na nasa isang lugar ako na hindi ko alam.

Nasaan ako? Ano bang lugar ito?

Nakasandal ako sa headboard ng isang kama. Inilibot ko ang paningin sa napakandang kuwarto kung nasaan ako. Kulay blue ang mga wallpaper at may mga frame na kulay gold. Bale ang theme ng kuwarto ay pastel blue and gold. I love the color.

Kaninonv kuwarto kaya ito? Nakakainggit naman. Parang dininig ang dream konv kuwarto.

Napatingin ako sa aking sarili at nagulat ng mapagtanto na iba na ang suot kong damit.

Panjama? Sino naman nagpalit sa akin? Nasaan ako?

Nabalik ako sa realidad ng may kumatok sa pinto, iniluwal niyon ang isang babae na mukhang kasambahay dito sa lugar na ito.

"Good Morning Young lady," sabi noong babae habang nakayuko sa akin. What the heck? Young Lady? Ako? Kailan naman nangyari iyon?

"Are pertaining to me?" gulat na sabi ko sa kanya. Ngumiti siya, "Yes Young Lady," sabi nito at inangat na ang ulo upang magtagpo ang aming paningin.


"Where am I? Who changed my clothes?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Ako po si Tessie, ang nagbihis po sa inyo. Inutos po kasi kayo sa akin ni Mr. Valdez, nakita niya daw po kasi kayo sa daan basang-basa at nakatulog na po kayo kaya naman po dinala kayo dito ni Mr. Valdez para po maalagaan po kayo. Ayos na po ba pakiramdam niyo?" napatango na lang ako sa sinabi niya. Sinamdam ko ang sarili ko at napag-alaman na nilalagnat pala ako.

Kaya pala masakit ang ulo ko. Sino daw? Mr. Valdez? Sino naman iyon parang pamilyar sa akin?

"Young lady, pinapatawag nga po pala kayo ni Mr. Valdez upang makapag-umagahan na po kayo," sabi ni Tessie.

"Salamat Tessie, pwede bang intayin mo ako kasi hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito e," pakiusap ko sa kanya.

Baka kasi maligaw ako. Nakakahiya naman.

"Sige po Young lady," sabi niya saka yumuko.

"Pwede bang 'wag nalang Young Lady? Naiilang ako e hindi naman akin itong mansyon na ito para tawagin niyo ako niyan, call me Elle," nakangiting sabi ko saka tumayo na.

"Sige po Young Lady este Elle pala," natawa na lang ako sa inakto niya. Sinamahan nga niya ako sa baba. Habang papunta kaming kusina sa baba hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga nakikita ko. Ang laki ng bahay na ito, mansyon nga talaga.

Napangiti ako sa nakita ko. Gantong-ganto rin ang bahay na pinapangarap ko dati. Pinangako ko sa sarili ko na balang araw magkakaganto rin ako. Sana balang araw matupad ko ang pangako kong iyon, pangako sa sarili ko.

Napakaganda, nakarating na kami sa baba kung nasaan ang dining table. Napakahaba ng lamesa ngunit iisa lamang ang nakaupo doon.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now