♛Chapter 3♛

52 34 28
                                    


~Royal'z~

•Rachelle POV•

Its been three weeks since I start modelling at Dadi's company. Inadvance ni Dadi sweldo ko para daw makapag-padala na ako sa kanila.

Nabalitaan ko na kailangan na nila talaga e. Lalo na maghahigh-school na ang kapatid kong lalaki.

May inuutusan kasi si Dadi na magdala ng pera sa kanila. Ewan ko nga kung ano ang palusot ni Dadi pa ra hindi makahalata na sa akin galing e.

Kagagaling ko lang ngayon sa trabaho at kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa mansion ni Dadi kung saan kami namamalagi. Kung tutuusin maraming mansion sina Dadi sa iba't ibang lugar kaso ito daw pinakagusto niya kaya dito niya napiling mamalagi.


"Good Morning Queen," bati sa akin ni butler homer. Sinuklian ko lamang ang mga ngiti niya at saka nagdiretso sa loob.

Isa si butler sa mga malapit sa akin dito sa mansion but mas close parin ako sa maldita kong kasama, si Tessie.

"Ay good afternoon Queen," bati sa akin ng ibang mga kasambahay habang nakayuko. Binigyan ko lang sila ng simpling tango saka nagdiretso sa kusina. Gutom na ako e.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si Kuya A. Nasa condo si kuya A ngayon, hindi naman kasi sila dito nakatira e buti na lang may condo siya.

"Good afternoon Queen, want do you want to eat?" mahinahong sabi nito.

"Gusto ko ng burger o kaya bake mac na lang," plain na sabi ko sa kanya na kaagad namang tumango at sinimulan ang pagluluto.

Habang hindi pa handa ang pagkain ay binigyan ako ni Chef Lessie ng maiinom. Which is... Cold Chocolate Drink.

I love chocolate drink and I hate milk. Ewan ko ba para sa akin ang pangit ng lasa e. Mas gusto ko chocolate.

Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa matapos ang niluluto ni Chef Lessie. Sinimulan kong kainin ang bake mac na gawa ni Chef at saka ko naisipang magdiretso na sa taas.

I want to sleep na. Dalawang araw na kasi akong hindi natulog dahil sa mga photoshoots.

Nagpalit muna ako ng damit saka ako nahiga sa kama. O yeah this is life. Nagpagulong gulong ako sandali sa kama hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa isang tunog. Noong una inakala ko na alarm clock ko iyon kaso naalala kong hindi naman ako naga-alarm ng ganitong oras.

Nang mapagtanto kong cellphone ko pala iyon ay nakahigang inabot ko iyon sa may table at saka sinagot ang tawag.

"Hello?" tamad na sabi ko sa kung sino mang letse ang nanggising sa akin.

"Hello bee," napabalikwas ako sa kama. Binabawi ko na rin pala na letse iyong nanggising sa akin. Di naman kayo mabiro e.

"Hello Khyla," bati ko rito.

"Wait akala ko ba nasamsam ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ko nang maalala ang paguusap namin ng kapatid niyang si Hanns.

"Ah e kinuha ko uli. Sabi kasi ni mama tinago niya e nasa kabinet lang naman kaya nang umalis siya papuntang hotel para magtrabaho kinuha ko," natatawang sabi niya kaya napatawa na rin ako. How I really miss them?

"Kamusta naman kayo diyan?" tanong ko sa kaniya.

"Medyo okay naman bee, nga pala pupunta nga pala sina Drei at Ate Elyria diyan sa bayan kasi may ipinapabili sa kanila ang tita, masama kami," excited na sambit niya.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now