♛Chapter 14♛

24 17 5
                                    

~Yes-O Camping~

•Crystal POV•

"Bakit ka ba nangkakaladkad?!" inis na tanong ko sa kanya. Lakas talaga ng topak nitong lalaking toh kanina pa e.

"I told you. Don't talk to him," madiin nitong bigkas. Nangilabot ako sa dilim ng aura niya na para siyang papatay ng tao.

"Bestfriend ko siya kaya kakausapin ko siya." tugon ko at saka umalis sa harapan niya. Naiinis na ako sa lalaking iyon e.

Pagkatapos ng scene na yun kanina. Ang pagtatalo namin, pumunta na ako kasama ang Royalz  dahil malapit na magannounce ng mga gagawin.

"Empress, saan ka galing?" tanong ni Kurt sa akin.

"May kinausap lang. Bakit?" ngumiti lang siya at umiling.

Ilang sandali lang ay nagsalita na si Professor Dela Rosa. Ipinaliwanag niya sa amin ang lahat. Buti na lamang naipagdala ako ng Royal'z ng mga kakailanganin ko.

For five days dito muna kami, iyon ang magsisilbing class namin. Lahat ng sasakyan ay iiwan dito dahil medyo may pagkamalayo ang destination namin, para na rin wala daw tumakas sa mga challenges. Ang iba naman ay imbes na iwanan ang sasakyan doon ay ipinakuha na lamang.

"Guys sumakay na kayo sa bus. By section tayo ngayon ha. Hurry madami pang challenges na nagiintay sa inyo," wika ni Professor Gutierrez.

Naghiwa-hiwalay kami ng Royal'z dahil magkakaiba naman kami ng section. "Hey baby Z tabi tayo," sabi ni D.

Sabay kaming pumasok sa bus dala ang mga gamit namin. Gaya ng sabi ni D tabi kaming naupo sa bandang likod ng bus.

Maalis na sana ang bus ng biglang dumating si Lucas. "Get out of my sit, Damian." Tumingin kaagad ako kay Damian at sunod-sunod na umiling para pigilan siya na umalis.

"Now!" sigaw ni Lucas kaya napatingin sa amin ang ibang eatudyante. Napabuntong-hininga na lamang si Damian at ngumiti sa akin ng pilit bago umalis sa inuupuan niya. 

"Tsk." Inilipat ko na lamang ang aking tingin sa may bintana saka sumandal doon ng makaramdam ako ng matinding antok. Hindi pa kasi ako nakakatulog kaagad.

I was in the middle of my beauty sleep when I suddenly heard whispers and a sound of camera.

I slowly open my eyes and to my shock they are taking pictures of us. I gave them a death glare. Buti na lang tinigil na nila ito.

I went back to sleeping. Moments later I heard my professor's voice. "We're here. Faster! Madami tayong activities ngayong araw na ito." I groan in irritation and slowly open my eyes adjusting to the light.

"You look so comfortable sleeping in my shoulder don't you think." Napairap na lang ako kay Lucas at saka nagtungo sa labas. Gladly D helped me with my bags.

"Grabe ka naman. Para kang luluwas sa sobrang daming bag ang dala mo," natatawang wika ni D.

"I am a girl, D." Nagtungo kami sa camping site.

"Okay, students settle down. Since marami kayo, magkakaroon tayo ng groupings para mga leader niyo na lamang ang kakausapin niyo sa mga concerns niyo. We will be having six groups in total. You must pick a leader later, you will also decide a name for your group. It must be related with nature."

Pinapila kami ni sir para makabunot kami ng group namin. Papers are numbered from one to six. Isa-isa kaming kumuha ng papel.

"Sana magkagrupo tayo D," sabi ko sa kanya. I slowly opened my paper and I got number 5 my favorite number.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now